------- ***Third Person’s POV*** - Seryoso ang titig niya kay Aiden. Kinakabahan siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit. Gusto niyang magsalita ito, gusto niyang malaman kung ano talaga ang ibig nitong sabihin. May mas malalim ba kaysa sa inaakala niya ang pinsalang naidulot niya kay Azalea? “Hindi ako obligadong magpaliwanag sa’yo,” malamig na sagot ni Aiden. Walang alinlangan ang boses nito, diretso, parang palasong tumama sa dibdib niya. “Ang masasabi ko lang—just leave her alone. She won’t come back to you anyway.” Akmang lalampasan na siya nito, pero mabilis niyang inabot ang braso nito at pinigilan. Galit niya itong hinarap. “Wala kang karapatan para pigilan ako. Wala kang karapatang pagsabihan ako sa mga ginagawa ko ngayon. Alam nating dalawa—na kung naging gago ako noon

