------- ***Third Person’s POV*** - Naabutan ni Denise si Yashir sa loob ng opisina nito—nakaupo sa swivel chair, nakasandal, sapo ang sentido na para bang masyado na itong nai-stress. Tahimik ang paligid. Ramdam ni Denise ang bigat ng tensyong dala ng hindi pagkakaintindihan nina Yashir at ng asawa nitong impakta. Lumapit siya, sapo ang dibdib, at habang papalapit, nangingilid na ang kanyang mga luha. Handa na sa drama niya. “Yashir, I’m sorry. Dahil sa akin kaya nagkaroon tuloy kayo ng hindi pagkaintindihan ng asawa mo. I wish I never went to your house and never touched your wife's jewelry. I just couldn’t stop myself—maybe because of the fact that I’m about to die."” Paiyak-iyak na sabi ni Denise habang nakatingin kay Yashir na bakas sa mukha ang pagod. Alam niyang stress na ito s

