-------- ***Azalea’s POV*** - Hindi ako makatulog kagabi. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Yashir—na parang basura lang daw ako sa paningin niya. Sa bawat pagbalik ng alaala, parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Ang sakit pala, kahit hindi ko naman siya mahal, kahit pa nga paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala akong nararamdaman sa kanya. Pero bakit ganito? Bakit ang bigat-bigat sa dibdib ko? Pinilit kong matulog. Pinilit kong huwag umiyak. Pero kahit ilang beses kong pinunasan ang luha ko, tuloy pa rin ito sa pagtulo. Tahimik ang gabi, pero ang isip ko—maingay. Punung-puno ng tanong, ng sakit, ng mga bagay na hindi ko maipaliwanag. Kaya kinabukasan, tinanghali na ako ng gising. Ramdam kong namamaga pa ang mata ko. Hindi pa man ako nakakab

