-------- ***Third Person's POV*** - Nasa labas ng labor room si Yashir. Tahimik. Nakaupo siya sa malamig na bakal na bangko, halos hindi gumagalaw, habang nakapako ang tingin sa pintuang ilang ulit nang bumukas at muling sumara. Bawat pagbukas ng pinto ay parang nagpapabilis sa t*bok ng puso niya, umaasang may lalabas para magbigay ng balita. Ngunit wala pa ring lumalapit para mag-update. Mahigit dalawang oras na rin siyang naghihintay—dalawang oras ng kaba, takot at pag- asa. Malamig ang paligid, dala ng air conditioning sa hallway ng ospital, pero tila naglalagablab ang init sa dibdib ni Yashir. Mainit na pinagpapawisan ang kanyang mga palad, hindi dahil sa init ng paligid kundi sa tindi ng pag-aalala—baka may masamang mangyari sa mag-ina niya. Bawat minuto ay tila isang oras. Bawat

