------ ***Azalea's POV*** - “Connor, I didn’t expect to see you here,” panimula ni Denise, ang tono niya’y may bahid ng panlalait. Mabilis ang tingin niya kay Connor bago bumaling sa akin, mula ulo hanggang paa ang pagsukat ng kanyang mga mata. “At hindi ko rin inaasahan ang babaeng kasama mo. Isang babaeng pinagsawaan na ng isang lalaki. Hindi ko alam na bumaba na pala ang standards mo, Connor. Taga-salo ka na pala ngayon ng basura ng iba.” Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Ramdam ko ang init ng pisngi ko—sa hiya, sa galit, sa sakit. Pero ang mas masakit? Wala man lang akong narinig na pagtutol mula kay Yashir. Nakatayo lang siya sa tabi ni Denise. Tahimik. Walang kahit anong ekspresyon sa mga mata niya. Wala. Hindi man lamang niya nagawang pagalitan kahit papaano si Denise sa

