-------- ***Azalea’s POV*** - Isang linggo na ang lumipas mula nang simulan namin ni Yashir ang set-up na kami rin mismo ang nagkasunduan. At kahit ako ang naglatag ng mga kondisyon, hindi ko maikakaila ang kirot na dulot ng tahimik niyang pagsang-ayon. Masakit isipin na ni hindi man lang siya nagpakita ng pag-aalinlangan. Wala man lang kahit katiting na pagtutol. Sa halip, tila ba ikinatuwa pa niya ang sinabi ko. Sino nga ba ang hindi matutuwa kung binigyan ka ng pahintulot na malaya mong maalagaan at makasama ang taong mas pinili mong mahalin—nang walang iniintinding asawa, basta't tuparin mo lamang ang bahagi mo sa kasunduan? Masakit para sa isang asawa ang ganitong uri ng set-up. Pero bilang isang ina na wala nang ibang hinahangad kundi ang kasiyahan at kabuuan ng loob ng kanyang

