------- ***Third Person’s POV*** - Tahimik si Yashir habang nakaupo sa loob ng sasakyan ni Aiden. Sinabi nitong doon sila mag-usap dahil walang ibang makakarinig. Nang isarado ang pinto, tila nagsara rin ang mundo sa labas, at tanging katahimikan ang bumalot sa pagitan nila. Hindi alam ni Yashir kung paano sisimulan ang tanong. Paano ba niya bubuksan ang isang usapan na kay bigat? Pero kailangan niyang malaman. Kailangan niyang marinig ang buong katotohanan—kahit masakit. “Yung sinabi mo kanina…” mahinang panimula ni Yashir, “…dalawang beses na nakunan si Azalea?” Tumango si Aiden. “Oo,” sagot nito. “Hindi lang si Yzari ang dapat sana’y may kakambal. Pati si Asher.” Parang biglang umigting ang dibdib ni Yashir. Napalunok siya nang hindi oras. “Pero hindi magkapareho ang kaso,” pali

