YS25: Paghaharap muli!

1756 Words

----- ***Yashir’s POV*** - Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bago pa siya makalapit, inunahan ko na si Azalea. Mabilis ko siyang nilampasan at marahang kinarga si Asher. Sa wakas… sa unang pagkakataon, nahawakan ko na rin ang anak kong lalaki. Ang anak kong hindi ko nasilayan sa kanyang unang paghinga. Hindi ko narinig ang kanyang unang iyak. Hindi ko nasaksihan ang kanyang unang mga hakbang o ang unang salitang kanyang binigkas. Ngunit ngayon… narito siya. Nasa bisig ko. Inasam ko mula nang malaman ko ang tungkol sa kanya. “Hello, baby…” mahina kong sambit habang marahang isiniksik ang mukha ko sa kanyang malambot at mabangong buhok. “I am your daddy. I’m sorry. I’m really sorry.” Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako umiiyak dahil lang sa saya. Umiiyak ako dahil sa lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD