------ ***Azalea’s POV*** - Note: This the revised version of the Prologue. A lot of changes that happened. - Sandaling natahimik ang paligid. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko ang bigat ng tanong ko sa hangin. Ang katahimikan ay parang isang makapal na ulap na dumagan sa pagitan naming dalawa—at sa titig niyang mariin, alam kong hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya inaasahan na darating ako sa puntong ito. Na kailangan na talaga niyang pumili. Ngunit agad din siyang nakabawi. Mabilis siyang nakahanap ng mga salitang walang alinlangang bumaon sa akin. "Seriously, Azalea? Pinapapili mo ako ngayon? Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?" Ramdam ko agad ang tigas sa tinig niya, ang pang-uuyam na itinatago sa bawat pantig. "Alam mong pumili na ako—kung h

