-------- ***Yashir’s POV*** - Dahil sa frustration ko—na hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung ano talaga ang ini-inject ni Denise sa akin—hindi ko napigilan ang sarili kong magsinungaling sa mga magulang ko nang bumisita sila sa ospital. Kung kilala talaga nila ako, dapat alam nila kung ano ang nasa loob ko. Gusto kong malaman kung gaano nila ako kakilala at kung may tiwala na ba sila sa akin ngayon. Si Denise pa rin ang naging topic ng pag-uusap namin. Galit sila sa nalaman na magkasama kami ni Denise sa kotse nang mangyari ang aksidente. Ano man ang mga pinagsasabi ko, I didn’t mean those words. My parents always think they know what’s best for me. Na kilala nila ako. Sabi nila sa akin, Denise is not the right woman for me—na hindi naman talaga pagmamahal ang naramdaman k

