----- ***Third Person’s POV*** - Todo simangot si Yashir habang nakayuko sa palayan, pilit itinatama ang pagtatanim ng mga punla ng palay sa pilapil. Ilang ulit na siyang pinagsabihan ni Manong Aldo kung paano ang tamang paraan—dapat daw tuwid, may tamang agwat, at hindi dapat sobrang lalim. Pero kahit anong gawin niya, tila palaging may mali. “Dahan-dahan lang, senyorito,” sabi ni Manong Aldo, bahagyang tinatapik ang balikat niya. “Huwag mong isubsob ng husto. Sayang ang punla pag nasira sa ilalim.” “Po? Ah, opo,” sagot ni Yashir habang pilit pinipigilan ang inis. Hindi naman talaga kay Manong Aldo ang inis niya. Hindi rin sa putik na halos lumulubog ang mga paa niya, o sa araw na tila ba kinakalaban siya sa sobrang init. Ang totoo, hindi naman ang pagtatanim ng palay ang dahilan ng

