Unang Kabanata

1010 Words
mar.grc (Ang pagkamatay ni lola Gemma) Kami ay nasa probinsiya. Madalas dito mawalan ng kuryente lalo na ngayong maulan. Kami ay naglalaro ng aking mga pinsan nang biglang namatay ang ilaw. "Nawalan na naman ng kuryente" reklamo ng aking ate. Ang papa ko ay dali-daling kumuha ng kandila at ito ay sinindihan. Dahil kami ng mga pinsan ko ay wala nang magawa, naisipan naming magkuwentuhan ng katatkutan. Tumayo ako upang kumuha ng flashlight, inilagay ko ito sa gitna namin. Nagulat kami nang biglang sumali ang aking ina. Nakaupo siya sa upuan sa likod namin. "Humarap kayo dito at ako ay may ikukuwento." utos niya sa amin. Agad kaming humarap sa kaniya. Nang kami ay nakaharap na, nagsimula na siyang magkuwento. "Hindi ko ugaling maniwala sa mga kwentong multo, aswang at iba pa. Pero kapag naririnig ko si nanay na nagkukuwento tungkol sa kaniyang kabataan ay hindi ko mapigilan ang makinig at mangilabot. Narito ang isa sa makababalaghan niyang kuwento." kwento niya habang kaming lahat ay seryosong nakikinig sa kaniyang istorya. "Ayon sa aking ina, anim na taong gulang pa lamang siya noon nang gisingin siya ng mga sigawan at iyakan. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay agad niyang nakita ang maraming dugo sa katawan niya at sa kaniyang ama. Ang mga dugo palang ito ay suka ng kaniyang ina  na siyang dahilan ng kamatayan nito. DIto na nagsimula ang mga kababalaghang pangyayari sa bahay ni lola Gemma." pagkuwento niya. Kami ay nangilabot dito, ang mga pinsan ko pa ay nagyayakapan kaya tinawanan ko lang sila. Maya-maya pa ay nagpatuloy na si mama. "Matapos ang libing ayon kay nanay, naging mistulang sementeryo sa lungkot ang bahay ni lola Gemma. Kinakatakutan na ito ng mga kapitbahay lalo na kapag ang gabi na ay sumapit. Isang gabi, may isang batang bumili ng kape sa tindahan nila lola. Walang nagbigay ng sukli kaya tinanong ng ina ang bata. "Nasaan ang sukli?" tanong ng ina ng bata. "Wala pong binigay" sagot ng bata. "Sino ba ang nagbigay sa iyo ng sukli?" tanong pa ng ina. "Si aling Gemma po" sagot ng bata na ikinagulat ng ina niya. Kinilabutan ang mga magulang ng bata dahil alam nila na kalilibing lamang ni lola Gemma." Kami ay kinilabutan sa kwento ng mama ko, ang iba kong pinsan ay nagtago sa mga unan at kumot. Patuloy akong nakinig dahil ako ay interesado sa kwentong ito. "Isang gabi naman habang may dumadaan sa gilid ng bahay, nakarinig sila ng ingay na tila naglilinis at nagwawalis. Nang silipin nila ang bahay ay walang katao tao kaya mabilis silang kumaripas ng takbo. Mayroon ding mga pangyayari na kapag nagkakasakit si nanay noon ay magigising siyang may nakasaping bimpo sa likod niya at noo na ipinagtataka ng mga kasambahay niya kung sino ang gumawa." kwento pa ni mama. "Baka si lola Gemma iyon" sabat ng pinsan ko. "Oo nga, baka si lola Gemma." sang-ayon ng isa kong pinsan. "Dahil sa mga pangyayaring ito, lubhang pinagkakatakutan ang bahay ng aking lola na noong isang araw na biglang lumitaw ang isang notebook kung saan nakatala ang mga pangalan ng mga taong may utang kay lola. Na tila ba sinasabing magbayad kayo dahil may bahid ito nang dugo." dagdag niya pa. Biglang bumukas ang ilaw namin na senyales na mayroon na ulit kaming kuryente. Ang mga pinsan ko ay nag-uwian na. Gustong-gusto ko pang malaman ang susunod na pangyayari ngunit nakatulog na ang aking mama. Natulog na lang din ako at plinanong bukas ipatuloy ang kuwento kay mama. Kinabukasan, agad akong lumapit kay mama na nakaupo lamang sa sofa habang nanonood ng t.v. "Ma, ituloy mo nga po iyong kuwento niyo sa amin kagabi." saad ko sa kaniya. "Interesado ka ba sa mga ganoong istorya?" tanong niya. "Opo" sagot ko na hindi nagdadalawang isip. Kinuha niya ang remote, pinatay ang T.V. at sinimulan nang ituloy ang naudlot niyang kwento kagabi. "Sa isa pang kuwento ni nanay, bago ang gabing namatay si lola ay nag-away ang mga anak nitong lalaki. Madalas ang pag-aaway at hindi pagkakasundo ng mga kapatid ni nanay sa hindi masabing dahilan. Isang gabing nag-aaway ang mga tito ko, ayon kay nanay ay bumigkas ng isang sumpa si lola na "Dahil hindi kayo magkasundo, kapag ako ay namatay magsasama ako ng isa sa mga anak ninyo." nakakapangilabot na sumpa bagamat hindi ito sineryoso ng mga kapatid ni nanay. Dumating nga ang araw ng pagkamatay ni lola at ilang araw ay nagkasakit ang panganay na anak ni tito. Maraming doktor ang gumamot subalit hindi matukoy ang sakit nito hanggang maisipan nilang sumangguni sa isang albularyo. Sa pamamagitan ng isang tawas ay nakita nito ang imahe ng isang babae na diliibat si lola habang inaalagaan ang pinsan kong may sakit."  Seryoso akong nakikinig sa kaniya habang natatakot. "Wala ring nagawa ang mga dasal at pakiusap ng albularyo at ng mga tito ko, pati na rin ang paghingi ng tawad dahil namatay din ang panganay nilang anak. Pagkalibing ni Johan ang panganay na anak ni Tito ay bigla na lamang nabagsakan ng kawayan ang panganay na ank na lalaki ng isa ko pang tito na naging sanhi ng kamatayan nito. Tinotoo ni lola ang kanyang sumpa kinuha nito at isinama sa kabilang buhay ang mga panganay na anak ng aking mga tito. Huli na bago nila naisip ang sumpa dahil sa hindi nila pagkakasundo at pag aaway. Ito marahil ang paraan ni lola para matigil ang away nila kaya mula noon minabuti nila ang magkasundo at maging mas maayos ang samahan alang alang kay lola Gemma." pagpapatuloy niya sa kuwento. "Grabe po pala ang nangyari dati." reaksyon ko sa kwento niya. "Oo, kung gusto mo pang ipatuloy ko mamaya ang kwento ay tawagin mo ako." saad ni mama.  Tumayo na siya at nagsimula nang magluto. Iniisip ko pa ang kwento niya kanina, totoo kaya ito? Posible kaya talaga na mangyari ang ganitong pangyayari? Ako ay naguluhan ngunit hindi ko na lang ito inisip nang tinawag na kami upang kumain.  Sumapit na ang gabi, pumunta ako sa kwarto ni mama para makinig ulit sa kaniyang mga kwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD