"Excuse me, Ms. T." untag sa akin ni Sir Yasser mula sa malalim kong pag-iisip. "S-sir?" nauutal kong turan. "Sorry kung binuksan ko na ang pintuan ng office mo, hindi mo kasi ako pinagbuksan kanina pa ako katok nang katok," paliwanag pa niya. "Sorry po, Sir may iniisip lang po kasi ako," hinging paumanhin ko naman agad sa kaniya. "Is everything alright, Ms. T?" tanong pa nito sa akin. "Yes, Sir," turan ko. "You sure?" paniniyak pa niya. "Opo, Sir may naalala lang po kasi ako," pagkukunwari ko at pilit kong pinasigla ang aking boses para hindi na ito magduda pa. "Okay sabi mo, e. Anyway kaya kita kinatok kasi ikaw na lang ang hindi pa nakakalabas ng shop," wika pa niya. "May mga inayos pa po kasi akong ibang gamit, Sir pasensiya na po at naabala ko kayo," muling paumanhin ko. "It

