Araw-araw pa rin akong binibigyan ni Draven ng bulaklak sa shop at gabi-gabi pa rin itong nasa bahay. Sa madaling salita ay hindi siya nagbago mula noon hanggang ngayon sa katunayan ay mas naging ma effort pa nga siya ngayon, and so far ay wala pa naman kaming pinag-awayan. Maintindihin din siya sa lahat ng oras madalas ko kasi siyang hindi ma update sa mga nangyayari sa akin sa buong araw dahil nagiging busy na kami sa shop noong mga nakaraang araw. Lalo na ngayon dahil nakatanggap kami ng isang proposal mula sa isang sikat na photoshop company at pinagdedesiyonan pa namin ngayon ng mga kasama ko kung i g-grab ba namin ito o, hindi na muna. "Tori Marie, hindi rin biro ang mapabilang sa Casa Recuerdos, panalo na rin tayo riyan," wika ni Ross habang binabasa namin ang proposal ng Casa Rec

