Isang mapang-unawa at masayang ngiti naman agad ang sumilay sa labi ni Charee maging sa iba ko pang mga kaibigan. They know what I've been through for the past two years of my life, kaya hindi ko sila masisisi kung ganito sila mag-alala ngayon sa akin. "Basta, Tori kung hindi mo pa talaga kaya pwede naman nating sabihin kay Sir Yasser." Ross. "True, Tori!" Lai. Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan ko hindi ko lubos akalain na sasamahan nila ako through thick and thin. They're very true to me and I'm very blessed to have them. "Guys, you don't have to worry about me anymore dahil okay na ako," paniniyak ko sa kanila. "Pero ready ka na rin bang harapin ulit ang taong parte na ng iyong nakaraan?" tanong naman ni Charee. "Sus! Suntukin ko pa siya, e!" mayabang ko namang tugon agad sa kani

