KINAUMAGAHAN, alas diyes na ako nagising dahil wala naman akong pasok ngayong araw. Pagbangon ko ay inayos ko agad higaan ko at saka gumayak may tatapusin pa kasi akong libro na babasahin, medyo mahaba-haba pa 'yon kasi chinika ako kahapon ni Charee habang nagbabasa. Nang matapos na ako ay lumabas na agad ako ng kwarto at bumaba habang humahakbang ako pababa ay may naririnig akong kalansing na ipinagtaka ko dahil sa pagkakaalam ko ako lang ang walang trabaho ngayong araw. Maging si Lola ay sumama ngayong araw kay Nanay sa karinderya para malibang siya, binilisan ko ang pagbaba upang makita ko kung sino ang nangingialam sa aming mga gamit dito sa bahay. At napamaang na ako nang makita ko si Draven naabala sa paghain ng pagkain sa aming mesa. Lintik na! "Ginagawa mo na naman ba rito?!" m

