CHAPTER 3 Draven De Mevius

1890 Words
Dumugo ang ulo ko dahil sa pagpukpok ng babae gamit ang bote ng beer muntik pa akong mawalan ng ulirat kung hindi lang agad ako nakaupo. Pambihirang nilalang ka babaeng tao pero ang bagsik ang lakas ng loob lumaban sa katulad kong pulis. "Salamat, buddy!" pasalamat ko kay Rico na best friend ko dahil siya ang gumamit sa duguan kong ulo. "Buti na lang at hindi ka napuruhan," pailing-iling pa nitong saad. "Oo nga, e, ang lakas kasi nu'ng babaeng na encounter ko, Imagine, bud lumaban sa katulad kong pulis, " naiinis kong turan. "Hiyaan mo na hindi talaga minsan maiiwasan ang mga ganyan, " tugon naman nito sa nagpapaubayang tono. "Kapag nakita ko talaga ulit ang babaeng 'yon humanda talaga siya sa akin, " madiing sabi ko. "Chill, bud babae 'yun tsaka for sure hindi na ulit magpapakita 'yon, " pagpapakalma pa niya sa akin. "I hope so," napapailing kong tugon. I thought ang nangyari kagabi ay 'yon na ang una't huling pagkikita namin ng babae pero hindi pa pala dahil ngayon ay malinaw pa sa bolang cristal na siya ang kaharap ko. Ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin dahil imbes na magalit ako sa kanya ay nabighani ako sa taglay niyang ganda. She's beautiful. Kutis porselana, balingkinitan ang katawan at may mga magagandang mga mata na kulay tsokolate, matangos na ilong at manipis na kulay rosas na labi. Nagkandautal-utal pa ako sa pagsasalita sa harapan niya lalo na nu'ng napatingin ako sa dibdib niya ng hindi sinasadya at nakita ko ang nunal niya roon sa bandang gitna na mas nagpadagdag sa kagandahan niya. Simpleng V-neck shirt at jeans lang kasi ang suot niya pero ang lakas ng dating dahil hapit na hapit na ito sa kanya. Hindi tuloy maalis-alis ang mga mata ko sa kanya hanggang sa makalabas na ito ng station. "De Mevius!" Napabalik ako sa kasalukuyan ng tawagin ako ni Rico sa napakalakas nitong boses. Hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na pala ito. "Oh, buddy nandito ka na pala," wika ko. "Actually mga limang minuto na, buddy at kanina pa kita tinatawag kaso mukhang sabog ka e," natatawang tugon naman niya, at napapailing pa ito. "Kung anu-anong kalokohan na naman siguro ang naiisip mo no?" buska pa nito sa akin. "Uy hindi ah, " tanggi ko naman. "Asus! Nakakaganyan ka lang naman kapag babae nasa utak mo e. Ano na naman pa binabalak mo?" pambabara pa niya sa akin. "Grabe ka talaga sa akin, buddy parang ang sama-sama ko namang lalaki niyan," kunwari'y nagpapaawa kong tugon. "Tsk! Draven huwag mo akong lokohin." Mukhang hindi ko na talaga mababali ang pag-iisip ng kaibigan ko. Well, hindi ko siya masisisi kilalang-kilala niya na kasi ako noon pa man. Magkaklase na kasi kami noon pa man mula highschool hanggang college at nagkalayo saglit nang may mga trabaho na kami ngunit nagkasama naman ulit ngayon dahil dinestino rin ako dito sa Kantong Pulang-pula. Sa Ilocos kasi talaga ako nakapwesto pero dahil may reshuffling na naganap ay napasama ako roon at dito na destino sa Kantong Pulang-pula at may tatlong buwan na rin ako rito. "Ibang klase ka talaga, bud," natatawang saad pa rin niya habang tinatapik-tapik ang braso ko. "Nandito kanina si Tori?" bulalas niya habang binabasa ang records ng mga bumisita. Kinuha niyo kasi ito upang dalhin sa pwesto niya at para mapalitan na rin niya dahil puno na ito. "Sinong, Tori?" nagtatakang tanong ko naman agad. "Itong sumundo kay Oswaldo Reyes." Napantig agad ang tenga ko dahil kilala niya ang babaeng bumighani ng puso't isipan ko. "Talaga kilala mo siya?" tanong ko agad sa kanya. "Oo kasi pinsan s***h best friend siya ni Charee," tugon naman agad niya. "Anak ng! So, si Tori pala ang gumugulo sa isip mo ngayon?" tanong agad nito sa akin. Nang makita niya ang kakaibang kinang sa aking mga mata at aliwalas ng aking pagmumukha. "Oo ang lakas kasi ng dating niya e," tugon ko sa namumuri kong boses sa dalaga. "Naku, naku, Draven De Mevius sinasabi ko sa'yo huwag ka ng magtangka sa binabalak mo tungkol kay Tori Marie Ramos," paghahadlang nito sa akin at kinompleto pa talaga niya ang pangalan ng dalaga. "Makahadlang ka naman sa akin, buddy parang hindi tayo mag best friend, e." Pakamot-kamot kong saad sa kanya. Nakakatampo naman 'tong si Rico, e. Aminado akong playboy ako pero hindi naman ibig sabihin nu'n ay paglalaruan ko rin ang damdamin ni Tori. Mukhang siya na nga siguro ang tatapos sa kalokohan ko, e, kaya dapat talaga makilala ko siya. "Buddy, it's not what you think, alam ko namang kahit playful ka when it comes to woman ay lahat naman sila minamahal mo e." Buti naman at alam niya. Totoo naman oo marami na akong naging jowa pero lahat namang mga babae na dumaraan sa piling ko ay minamahal ko naman talaga at iniingatan. "E, bakit parang ayaw mong makilala ko ng lubusan si Tori?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Because Tori is a man hater, lalo na sa ating mga pulis at malamang sa malamang ay isusumpa ka lang nu'n mula bunbunan hanggang talampakan mo. Kaya huwag ka ng magtangka dahil mas matapang pa 'yon sa'yo," litanya niya. "What? Bakit siya galit sa mga pulis?" tanong ko naman sa kanya. " 'Yan lang ang hindi ko alam," kibit balikat niyang tugon. "E, paano mo nalaman na ayaw niya sa ating mga pulis?" tanong ko ulit sa kanya. "Nasabi lang sa akin ni Charee," tugon naman niya. Bakit kaya galit ang babaeng iyon sa mga pulis? Marangal naman ang trabaho namin sa katunayan nga ay nakakaproud pa. That woman must have a reason. A deep one of course she won't hate men in uniform kung simple lang ang rason niya. "Super close ba sina Charee, at Tori?" tanong kong muli sa kaibigan. "Oo super kaya nga cousin s***h best friend sila, kasi takbuhan nila ang isa't-isa at magkalapit lang din sila ng bahay," tugon naman niya sa akin, at patango-tango lamang ako. Tori is quite interesting I really wanna know her so well, kaya dapat may gawin talaga ako. "Ano bang trabaho ni Tori?" tanong ko pa. "De Mevius, Daza, nag chi-chimissan ba kayo riyan?" maawtoridad na tanong sa amin ni SPO four- Lopez, dahil bigla na lang itong bumaba mula sa second floor. "No, Sir may tinanong lang po ako kay Daza," pagsisinungaling kong tugon. "Pwede ba magtrabaho muna kayo. De Mevius sumunod ka muna sa akin at may patitignan ako sa'yo sa taas," turan nito at kaagad naman akong sumunod sa kanya. Pagdating namin sa second floor pumasok kami sa isang silid kung saan nakalagay lahat ng mga documents at may kaso nga kaming pinag aralan at mga impormasyong binasa hanggang sa hindi ko man lang namalayang hapon na pala nang matapos ko ang aking gawain. Kaagad naman akong magpaalam kay Sir Lopez na lalabas upang makababa na ako at makapag break inaantok na kasi ako at nagugutom. Nang pumayag ito ay kaagad na akong lumabas ng office at bumaba sakto namang pagbaba ko ay nakita ko si Rico na papalabas. "Buddy, saan ka?" pasigaw kong tanong sa kanya. "Magkakape lang kami ni Charee sa malapit na coffee shop," tugon naman agad niya. "Sakto, sama na ako magkakape na rin ako e," turan ko, at tinignan muna ako n makahulugan bago pumayag. Kilalang-kilala talaga ako ni Rico well sasama ako sa kanila ni Charee para makapagtanong-tanong ako kay Charee tungkol kay Tori. Style ba. Umangkas na lamang ako sa motor ni Rico para hindi na hassle sa biyahe tutal malapit lang naman ang coffee shop sa station. At hindi nagtagal ay nakarating na kami sa coffee shop naghihintay na rin sa amin si Charee pinark lang sandali ni Rico ang motor niya tapos ay bumaba na rin kami agad. "Hi, Babe!" matamis na bati agad ni Charee sa nobyo. "Hello, babe!" ganting bati naman ni Rico sa kanya at hinalikan pa niya ang noo ng kanyang kasintahan. "Hi, Draven buti naman at nakasama ka," bati naman sa akin ni Charee na binalingan niya ako ng tingin. "Hello, Charee nagkaparehas kami ng break ni Rico, e," tugon ko naman sa kanya. "Actually, babe hindi naman talaga kape ang pakay niyan, e," panlalaglag na sa akin ng kaibigan ko. "Uy kapeng-kape na rin talaga ako, buddy," giit kong tugon. Totoo naman kasi dahil inaantok na ako. "Oh sige pero, babe sumama din iyan para sa pinsan mo," sabi nito sa nobya niya. "Who?" tanong naman ni Charee sa akin, habang lukot ang noo nito. Pumasok na muna kami sa loob ng coffee shop at umakupa ng isang table saka doon pumwesto. "E, 'di 'yong astigin mong pinsan," sabat naman ni Rico. "Oh, si Tori? You like her?" deritsong tanong naman agad nito sa akin, habang may ngiti sa kanyang mga labi. "Actually, gusto ko sana siyang makilala, e, nakita ko kasi siya kanina sa presinto namin," kwento ko naman kay Charee. "Oh yeah, nabanggit niya nga sa amin kanina, so nagkita pala kayo?" tanong pa niya sa akin. "Yeah," tipid kong tugon. Nagpaalam muna sa amin si Rico upang mag order kaya ng kami na lang ni Charee ang naiwan sa table ay mas malaya ko itong nakausap. "Gusto ko sana siyang makilala, is she single?" tanong ko kay Charee. "She's very, very single, Draven." Kaagad naman akong natuwa sa aking narinig at isa lang ang ibig sabihin nu'n may chance ako. "So can I get her number, kung okay lang?" Wala na akong sasayangin pang oras. Ngunit hindi agad nakasagot si Charee sa akin at tila pinag-iisip pa ito. "Definitely not," sabat ni Rico dahil nakabalik na ito sa table namin at dala-dala ang order naming mga kape. "Bakit naman hindi? E, wala naman siyang boyfriend," tanong ko naman sa kanya. "Kasi, Draven ayaw ni Tori sa pulis," mahinang sabat ni Charee sa akin. "But why? Anong masama sa pulis?" sunod-sunod kong tanong. "Sorry, Draven pero hindi kasi yata tama kung sa akin manggagaling ang sagot, " tugon pa niya, at isang matunog na buntong hininga na lamang ang tanging nagawa ko. I'm right Tori has a deep reason why she hate policeman like me. "Pero kung gusto mo talaga siyang makita you can visit her sa karinderya nila we can lunch there para naman hindi halatang siya talaga ang pakay mo. " Kaagad namang lumiwanag ang pagmumukha ko dahil sa sinabi ni Charee. Very good din pala siya, e. "Sige ba, kailan?" tanong ko naman agad sa na e-excite kong boses. "Bukas sabay ka kay Rico doon naman kasi kami talaga kumakain," tugon niya. "Are you sure about that, babe?" tanong pa ni Rico sa kanya. "Of course, babe tsaka gusto ko rin naman kasing magkajowa na ang pinsan ko, e, " tugon naman ni Charee kay Rico. "So you mean never pang nagka boyfriend ang pinsan mo?" pang-uusisa ko pa. "Hindi, she's very busy and workaholic kasi," tugon ni Charee. Sa kwento pa lang ni Charee ay nakakahanga na ang isang tulad ni Tori, she's independent and I love that. Kaya naman pala matapang kasi kayang-kaya naman talaga niya ang sarilli niya. But this time mag-iiba na dahil ako na ang mag-aalaga sa kanya at may tao na siyang pwedeng sandalan kahit anumang oras. Tignan ko lang din kung hanggang saan aabot ang pagiging mabangis niya. Just wait for me, Ma'am Tori.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD