Walang mapagsidlan ng saya ang puso ko ng sinagot na ako ni Tori Marie. Aaminin ko hindi na bago sa akin ang sagutin ng isang babae dahil ilang beses ko na iyong nagawa ngunit sadyang kakaiba lang talaga si Tori sa lahat kasi ng niligawan kong babae.Siguro dahil sa kanya ako unang nasaktan at nahirapan habang nanliligaw pa lang. Kaya ibang saya rin ang dulot sa aking puso ng pinagbigyan niya na akong pumasok sa buhay niya. Pinapangako kong mamahalin ko si Tori hangga't kasama ko siya at hangga't humihinga pa ako. Sisikapin kong maging mabuting tao para sa kaniya dahil ayokong dumating ang araw na kainisan niya ulit at ipagtabuyan. Handa rin akong magbago para sa kaniya dahil simula ngayon ay si Tori na lang ang babaeng pakatitignan ko wala ng iba pa. "Masaya ako, Apo dahil sinagot ka na

