MATULING, lumipas ang mga araw at may katagalan na rin kaming narito ni Draven sa Santa Alora. At ngayon ay papunta kami sa Kalipayan falls kasama namin sina Nikay at Emong hindi pa sana papayag si Emong na sumama sa amin si Nikay dahil nga buntis na it. Ang kaso ay mapilit din si Nikay at tinakot pa si Emong kung kaya't wala ring nagawa sa Emong kundi ang pumayag na lang sa kagustuhan ng asawa niya. "Nikay, magsabi kapag pagod ka na ha? Para huminto muna tayo," paalala ko kay Nikay habang naglalakad kami. "Oo nga, Nikay hindi naman tayo nagmamadali," dugtong naman ng asawa ko sa sinabi ko at pinagsiklop nito ang mga palad namin. "Mag relax nga lang kayong mag-asawa okay lang ako," tugon naman ni Nikay sa amin. "Concern lang naman sila sa lagay ninyo ng baby natin, Nikay," wika naman

