"Care to share, Nanay?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Drianna. Kanina pa kasi akupado ang utak ko dahil sa sinabi ng Ninong namin ni Draven sa kasal hindi tuloy ako makapagpokus sa mga bagay-bagay dito sa TPH, at maging ang anak namin ay hindi ko na rin nabigyan ng pansin. Dinala ko na naman kasi siya rito sa opisina dahil wala naman siyang gagawin doon sa bahay. "Sorry, anak may gusto ka bang kainin nagugutom ka na ba? Anong oras na ba?" magkakasunod kong tanong sa nag-aalala kong boses sabay tayo mula sa swivel chair ko. "I'm fine, Nanay how about you okay lang po ba kayo?" Napangiti na lamang ako sa tinuran ng aking anak lalo na sa ekspresiyon ng kanyang mukha parang siya pa kasi ang mas Nanay sa aming dalawa. "Okay lang po si Nanay may iniisip lang," nakayukod kong s

