Minabuti kong huwag na lang pumasok ngayong araw sa shop nagdahilan na lamang ako sa mga kaibigan ko roon maasahan ko naman kasi sila. Panigurado kasing wala akong takas sa mga tanong ni Charee sa akin mamaya kapag nakita niya ang pagmumukha kong apektado at balisa. Ayokong malaman niya ang hindi magandang inasal ni Draven ayokong maging pangit ang imahe ni Draven sa aking kaibigan pati kina Nanay ay hindi ko rin ipapaalam. Dahil kami lang ang dapat na makakaayos nito dahil kami ang magkarelasyon. Nagpasya na lamang ako maglibot sa kung saan dahil mamayang hapon pa naman ako ulit babalik sa condominium ni Draven. Mabuti na lang at maganda ngayon ang panahon kaya malaya akong nakapunta sa kung saan-saan. Marami akong magagandang nakikita pero sadyang lumilipad ngayon ang isip ko dahil par

