CHAPTER 6

1420 Words
Pagpatak ng alas onse ay pumunta na kami ni Charee sa aming karinderya dapat ay mamayang alas dose pa, ang kaso gutom na gutom na itong pinsan ko kaya napaaga ang pagpunta namin. Pagdating namin sa karinderya ay nagmano agad ako kay Nanay at nagbeso naman sa akin ang kambal. "Si Lola po nandito ba?" tanong ko kay Nanay. "Oo, nak nandoon sila sa taas kasama si Draven," tugon ni Nanay na ikinataas naman agad ng kilay ko. "Nandito na naman po si Draven?" tanong ko pa. "Oo, Ate ayon magkausap sila ni Lola sa taas," tugon naman ni Hazel. Aba't namimihasa yata ang pangit na 'yon. Umakyat agad ako at nadatnan kong nag-uusap sina Lola at Draven nagkakatuwaan pa ang mga ito. "Ang swerte naman po pala ng asawa ninyo sa inyo, Lola," dinig kong wika ni Draven kay Lola. Mukhang ang namayapang kong Lolo ang topic nila at paniguradong love story na naman nina Lola. "Ako ang maswerte sa kanya, apo dahil sa bilyong-bilyong tao rito sa mundo ay ako ang napili niyang makasama hanggang sa huling hininga ng buhay niya," tugon naman ni Lola sa kanya. "Hindi pinaramdam sa akin ni Arturo na may pagkukulang ako sa kanya at ni minsan ay hindi niya ako pinagtaksilan at tanging ako lang ang babaeng inibig niya," dagdag pa ni Lola habang nakangiti siya. "Kaya dapat ikaw, Draven kung tunay at tapat man iyang nararamdaman mo para sa apo ko huwag na huwag mo siyang sasaktan ha, dahil—" pinutol ko na ang kung ano pa man ang nais sabihin ni Lola dahil nilapitan ko na sila. "Lola, napakamakwento niyo po talaga, " nakangiting wika ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. "Ang sarap kasi nitong kausap ni Draven, e," tugon niya, at binalingan ko naman agad ng tingin si Draven na nakangiti pala sa akin. "Kain na po tayo, La nagugutom na kasi ako," sabi ko kay Lola at binalewala ang ngiti ni Draven. Niyaya naman agad ni Lola si Draven, ang buong akala ko ay mawawala na siya sa paningin ko pero hindi pala lalo na't sumama pa siya sa amin ni Lola sa pagkain. "Siya nga pala mga apo, niyaya tayo ni Draven sa private resorts niya sa linggo," wika ni Lola nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. "Wow talaga, Sir Draven may private resorts kayo?" manghang tanong naman ni Hazel sa kaniya. Sumabay kasi ito sa amin sa pagkain pati na rin si Charee. "Yeah, pero hindi ganun kalaki," tugon naman ni Draven. "Kahit na, Sir at least meron." Natuwa naman si Draven sa sinagot ng kapatid ko sa kanya. "Aba mayaman ka pala, Draven," wika naman ni Charee. "Hindi naman, actually minana ko iyong lupa sa mga magulang kaya iyon naisipang gawing private resorts," tugon naman ni Draven. "Sama kayo ha? Lalo na po ikaw, Ma'am Tori Marie." "Ay oo naman sasama talaga si Tori dahil day off namin niyan sa photoshop," segunda ni Charee. Minsan talaga ang sarap nitong sabunutan sa pagiging madaldal niya. "Of course Tori Marie will be there dahil kasama ako," dugtong naman ni Lola. Bakit ba aping-api ako sa pamilya ko kapag nasa harapan namin si Draven. Ang malas naman oh! "Excited na akong makasama kayo sa sunday," nakangiting wika naman ni Draven. Palibhasa siya ang pinaboran ng pamilya ko makapagpatayo rin nga ng private resorts. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na rin kaming bumalik agad ni Charee sa photoshop baka kasi may maga costumer na ulit. Balik trabaho nga agad kami pagbalik namin sa shop dahil mas dumami ang tao ngayon may natanggap pa kaming isang event. At pagsapit ng alas sais ng gabi ay nagsara na kami at nagsi-uwi na rin silang apat. "Ma'am Tori!" Kaagad kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko, at umikot agad ang mga mata ko ng mapagsino ko ang tumawag sa akin. It's Draven pangit. "Ma'am Tori, sama po kayo sa linggo ha?" wika niya. "Talagang nag-aksaya ka pa ng oras para lang sabihin iyan sa akin?"mataray na tugon ko. "Hindi naman kasi kita ma text, Ma'am dahil wala akong number mo," katwiran pa niya. "Kahit na!" giit ko naman. "I just wanna make sure lang din, Ma'am," "Segurista ka rin, e, no?" "Ay siyempre naman, Ma'am." Tigas talaga ng pagmumukha niya! "Narinig mo naman siguro ang tugon kanina ni Lola 'di ba?" sabi ko pa sa mataray ko pa ring boses. "Nice!" ngingiti-ngiti naman agad nitong tugon na animo'y nanalo sa lotto. Inirapan ko agad ito ng bongga at saka tinalikuran, ma t-traffic ako nito sa daan sa kagagawan ng pulis na 'to, e. "Ma'am Tori, kain muna tayo," wika na naman niya at saktong nakalapit na ako sa motor ko. "Maraming pagkain sa bahay," malamig kong tugon. "E, 'di magkape na lang tayo." "Umaga at hapon lang ang kape ko." "How about ice cream?" Ang kulit! "Ayoko uubuhin ako," tugon ko pa rin kahit na ang totoo ay aburidong-aburido na ako sa kanya. "Turo—" "Pwede ba, Mr. De Mevius huwag kang makulit nakita mo nang pauwi na ang tao tapos mambu-bwisit ka pa!" sikmat ko na sa kanya dahil sobrang kulit niya na talaga. "Grabe ka naman sa pambu-bwisit, Ma'am sa gwapo kong 'to?" Santisima! Bakit ba ubod ng kulit ang lalaking 'to sa katawan? "Pwes hindi ka gwapo sa paningin ko!" singhal ko na rito saka sumakay na sa aking motor at pinaandar ko na ito. "Ingat kayo, Ma'am Tori mamahalin pa po kita," pahabol pa niyang wika. Ngunit hindi ko na siya pinatulan pa dahil nagtuloy-tuloy na ako pagmamanet hanggang sa makauwi ng bahay. *** Dumating nga ang araw ng linggo at nandito na kami sa private resorts ni Draven. Si Charee lang ang hindi nakasama dahil sumama ang pakiramdam nito totoo kasing buntis ito kaya siguro nagkasakit. Maganda ang private resorts ni Draven na tinawag niyang Hello Goodbye Sariwa ang hangin at napakaganda ng tanawin dahil sa mga makukulay na bulaklak at sa pool na hugis puso. Enjoy na enjoy tuloy ang pamilya ko sadyang ako lang ang hindi gaano. Inasikaso rin ni Draven ang pamilya ko rito sa cottage ng resorts niya lalong-lalo na si Lola, panay pa nga ang tawanan at kwentuhan nila. Hindi ko tuloy napigilan ang sarilli kong hindi mapangiti dahil sa aking nakikita ngayon. Nakakatuwa lang kasi ang ginagawa ni Draven sa pamilya ko kahit na wala naman siyang napapala sa akin. Nang dumako ang tingin nito sa akin ay isang sinsero at matamis na ngiti rin ang ginawad niya sa akin. Ngunit hindi ko na ito pinansin bagkus ay inabala ko na ang sarilli ko sa aming mga dalang inumin at pagkain. Buong araw na nagsaya sina Lola, Nanay at mga kapatid ko hanggang sa napagod nga ang mga ito at nakatulog sa kwarto sa isa sa mga kwarto rito sa resorts ni Draven. Samantalang ako naman ay nagpasya na lamang na tumambay sa hardin hindi naman kasi ako napagod dahil hindi naman ako nag swimming at nag enjoy ng husto. "Nagustuhan mo ba rito, Ma'am Tori?" biglang tanong sa akin ni Draven bigla na lang kasi itong sumulpot sa tabi ko. "Yeah, it's nice," simpleng tugon ko. "How about the owner nagustuhan mo rin ba?" Heto na naman po siya! "Mr. De Mevius, tapatin mo nga ako, kaya mo ba ginagawa ang lahat ng ito para payagan ka ng pamilya kong maligawan ako?" kompronta ko na sa kanya. Nakakainis na kasi talaga ang presensiya niya sa araw-araw na nilikha ng maykapal. "Actually yes, Ma'am I'm trying my best to get your families blessings para payagan nila akong ligawan ka," matapat at matapang naman agad nitong tugon. "Well you better stop now, Sir dahil wala po kayo mapapala sa akin," malditang tutan ko na sa kanya sabay talikod sa kanya. "Is that a command, Ma'am Tori Marie?" tanong pa niya na ikinahinto ko sa paglalakad. "Definitely, Mr. De Mevius," matapang na tugon ko naman agad sa kanya nang lingunin ko ito. "Well, I'm very sorry, Ma'am but I refuse it," matapang din nitong tugon sa akin. "At bakit?" mataray ko ng tanong ngayon sa kanya. Alin ba sa sinabi ko ang hindi nit naintindihan? "Dahil gusto kita." "Pwes ako hindi kita gusto!" angil ko sa kaniya. "It doesn't matter, Ma'am kaya hangga't wala pang ibang nagmamay-ari ng puso mo akin ka pa iyan." And with that he left, napamaang na lamang ako sa sinagot. Saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha at hangin. Ang lakas kasi ng confidence niyang sabihin ang mga salitang akin pa iyan Santisima!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD