Pagkatapos naming kumain ng hapunan nina Lola at Nanay ay sinamahan ko na agad si Lola sa taas para makapagpahinga na ito sa aming kwarto kaya si Nanay na ang naiwan para maglinis ng hapag-kainan at sa kusina. "Aba anong oras na at wala pa si Draven," wika ni Lola ng makapasok na kami sa kwarto. Napatingin tuloy ako sa orasan na nakapatong sa side table ko at oo nga mag a-alas otso na ng gabi pero wala pa siya. Ano na kaya nangyari sa pulis na 'yon? Nag overtime siguro o, baka nang chicks matagal na rin kasi 'yong hindi nakalabas. "Baka maraming trabaho, La huwag niyo na po siyang hintayin at baka mapuyat pa kayo," turan ko. "Nasanay lang kasi akong nandito ang batang 'yon sa ating bahay," sabi pa ni Lola. Maging ako ay nasanay na rin sa presensiya ni Draven dito sa loob ng bahay sa

