Finally.
That word is the first word that came out from Iverson's mouth when he walked out of their mansion with his luggage.
Ngiting-ngiti si Iverson lalo pa nang tumigil na sa harapan niya ang sasakyang kotse papunta sa probinsiya. Kinuha ng mga katulong nila sa bahay ang kaniyang maleta at isinikay na sa loob ng kotse.
"Freedom, here I come," mahinang bulong niya sa sarili at malapad na ngumiti.
Hindi pa man siya nakakabawi sa pagngiti ay agad din iyong nawala nang marinig ang boses ng nakababata niyang kapatid na si Iris na kinukulit ang kanilang ama.
"Dad naman, dali na, please? Sasama lang naman ako kay Kuya, wala akong gagawin na trouble," pamimilit nito habang nakahawak sa damit ng ama.
Iverson turned his head towards their direction. Pinaypayan niya ang tatlong kapatid na agad namang tumakbo papunta sa gawi niya. Kasunod naman ng mga ito ang ama at ina na kapuwa naiiling.
"Girls, anong sabi ni Kuya sa inyo?"
Sabay-sabay na napalabi ang tatlo nang marinig ang sinabi ni Iverson. "Kuya, sama na kami sa 'yo, please?" sambit ni Darshiannah at agad na yumakap sa kaniya. Maging si Deborah naman ay gumaya na rin habang si Iris naman ay nakatayo lamang sa harap nila at kapwa nakakrus ang mga braso at nakasimangot.
"Nandito naman sina Mom at Dad, girls. At isa pa, hindi naman ako magtatagal doon," mahinahong turan niya sa mga kapatid.
"Kung saglit ka lang doon, e 'di sasama kami," Iris retorted, her lips getting more puckered.
Iverson heaved a deep sigh. "Magiging madali lang ang pananatili ko roon kung tutulungan mo si Dad na ayusin ang anumang puwedeng ikaso sa akin."
"Makukulong ka, Kuya?" Mabilis na tanong ni Deborah kaya't agad na umiling si Iverson. "Hindi ka puwedeng makulong. . ."
He chuckled. "I won't go to jail, okay? Ang sinasabi ko lang, kailangan niyong mag-tino rito habang wala ako."
"Kuya, mas magtitino kami kung narito ka," Darshiannah remarked in a matter of fact tone.
"Girls, hindi nga sabi kayo puwedeng sumama sa Kuya niyo," their mother finally interfered. Lumapit sa kanila ang ina at ama kaya't agad na nagsihiwalayan ng yakap ang magkakapatid.
Hindi naman napigilang mapangiti ni Iverson. Kahit na gaano pa niyang kamahal ang mga kapatid, gusto niya pa ring makatikim ng kalayaan. Halos buong buhay niya ay kasama na niya ang mga kapatid at ginugol niya ang mga taong iyon para masigurong ligtas at nasa maayos na kalagayan ang mga ito.
But now, now is the right time for him to put himself first.
"Iverson, ang sinasabi ko sa 'yo, ha? Ang mga babae. . ."
Napangiti siya dahil sa sinabi ng ama. Right. Magpapakasaya siya sa rami ng babae sa probinsiya. Susulitin na niya ang pagkabinata.
"Nasabihan ko na si Danielle na bantayan ka kaya magtino ka dahil isusumbong ka sa akin ng pinsan mo," his father added.
Pekeng nginitian ni Iverson ang ama. In his mind, he's a hundred percent sure that his cousin won't tell his Dad about him. Danielle got his back as well as his other cousins. Kahit kasi panganay siya sa kanilang magkakapatid, itinuturing naman siyang pinakabata ng mga pinsan. Sa lahat kasi ng panganay sa kanilang angkan ay siya ang pinakabata.
"You can trust Ate Danielle, Dad," tanging sambit niya rito.
"Oh siya sige na at umalis ka na. Baka abutin pa kayo ng gabi sa daan." Lumapit sa kaniya ang ina at hinalikan siya sa pisngi. "Mag-iingat, ha?"
He let out a soft chuckle. "Come on, Mom. Your son is a pilot. Para namang ito ang unang beses na aalis ako."
Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang sa kaniya ang ina at ginulo ang buhok niya. Sunod namang lumapit sa kaniya ang ama at tinapik ang balikat niya. "I'll fix everything, huh? Just hang in there," his Dad assured him.
The corner of his mouth turned up as he slowly nod his head. "Thanks, Dad."
"Kuya ko. . ." Darshiannah hugged him once again and whined like a child. Mahina naman siyang tumawa at napailing. "Balik ka kaagad ha?"
"Oo nga. Saglit lang si Kuya roon. I'll call you and Devs everyday, okay?"
"How about me?" Mabilis na reklamo ni Iris na siyang nagpatawa lalo sa kaniya.
Humiwalay ng yakap si Iverson kay Darshiannah at nilapitan si Iris na nakabusangot pa rin ang mukha. He pulled his sister in a tight hug. "Alam ko naman kasing ikaw ang tatawag sa akin, ano ka ba?" sabi niya sa kapatid niya at ginulo ang buhok nito.
To his surprise, her sister sniffed like a child. "Uy, bakit ka naiyak?" nagpapanic na tanong niya at tumingin sa ina at ama. "Mom, Dad, wala akong ginagawa," depensa niya sa sarili na siyang ikinailing ng mga ito.
Humiwalay ng yakap si Iris at nagpunas ng luha. "Ikaw kasi, ayaw mo akong isama. . ." her voice broke as she sobbed harder.
Hindi naman napigilang mapangiti ni Ivberson habang pinagmamasdan ang kapatid. "Ito namang si Attorney, masiyadong clingy sa Kuya. Paano ka na haharap sa korte niyan? Kasama mo ako?" biro niya.
"Pwede ba?" Inosenteng tanong ng kapatid kaya't mas lalong tumawa si Iverson.
Napailing siya at pinaypayan ang kambal na lumapit sa kanila. "Lapit nga kayo. Ang mga baby ng Kuya, napaka-iyakin."
Dali-daling lumapit ang kambal at yumakap din sa kaniya. They did a group hug while Iverson is consoling his sisters. Hindi naman mapigilang mapangiti ni Ivy habang pinagmamasdan ang mga anak.
"Mga masiyadong spoiled ng Kuya," natatawang sambit ni Damon at niyakap ang asawa habang nakatingin sa kanilang mga anak na ayaw yatang humiwalay sa Kuya. "Girls, aabutin na ng gabi 'yang Kuya niyo. Delikado na sa daan kapag inabot pa sila ng gabi."
Ngunit kahit na anong sabihin ng ama, hindi pa rin humiwalay ang tatlo kay Iverson. Iverson just laughed because of their situation. Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa mga ito habang mahinang tumatawa.
"Balik ka kaagad, Kuya, ha?" Deborah asked in a low voice.
"Oo nga. Hindi naman ako roon titira."
"Pero Kuya, paano kapag nakahanap ka roon ng girl tapos nainlove ka sa kaniya. Paano kapag nagpakasal kayo roon? Ibig sabihin, may iba ka ng family kapag ikinasal na kayo 'di ba? Ipagpapalit mo na ba kami?"
Iverson's brows immediately arched an inch upon hearing Darshiannah's question. Humiwalay siya sa mga kapatid at nginitian ang mga ito. "Ako? Mag-aasawa? Hindi, uy. Kayo lang ang babae sa buhay ni Kuya, okay? I promise."
"You have a lot of girls kaya. . ." reklamo ni Iris na siyang ikinatawa niya.
Iverson laughed. "But they are not my princesses. Hindi mag-aasawa si Kuya at hindi ko kayo ipagpapalit."
"Iverson, it's time to go," anunsyo ng ina kaya naman malapad niyang nginitian ang mga kapatid.
"Magpakabait kayo rito, okay? Isusumbong kayo sa akin nina Mom at Dad kapag gumawa kayo ng gulo habang wala ako," muling paalala niya sa mga kapatid.
"Bye, Kuya," sambit ni Iris na nakasimangot pa rin. "Pasalubungan mo kami ng mangga."
Mahina siyang tumawa at tumango. "Ako na ang bahala sa pasalubong. Basta magbabait kayo rito."
Their Dad cleared his throat. "Ikaw rin, Iverson. Dapat magtino ka na rin doon."
Ngumiti lamang si Iverson sa ama bilang tugon. Matapos ang napakahaba nilang pagpapaalam sa isa't-isa, sa wakas ay pinakawalan na rin si Iverson ng kaniyang mga kapatid.
He immediately let out a harsh breath when the car started moving. He leaned back for a much comfortable stance as a playful smirk crept his lips.
Freedom. Finally.
----