“Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at huli ka na namang pumasok? ‘Yan tuloy, nasermonan ka na naman ni Mang Herman.”
Napasimangot ako matapos marinig ang sinabi ni Ate Andeng. Hidi ko man gustuhin ay tanghali na akong nagising kanina dahil sa antok. Oo nga at pinatulog ako ni Izaak sa trabaho kahapon pero si Yvvo naman ang nagkampo sa utak ko buong magdamag.
Kasi naman, bakit bigla siyang bumanat ng ganoon? Hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaya inisip koi yon magdamag. At ang ending? Nahuli ako sa trabaho at pinagalitan ni Mang Herman. Mag-isa kasi siyang nagpastol ng baka at kalabaw kaninang umaga dahil hindi ako nakarating agad.
“Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi, Ate Andeng, e,” nahihiyang pag-amin ko.
Umismid siya dahil sa sinabi ko. “Nako, Riley. Alam ko namang imposible pero. . .”
“Pero ano, Ate?” Lumingon ako sa kaniya at taka siyang tiningnan. “Ano ang imposible?”
“Na ano. . .”
“Ano, Ate?” tanong ko bago uminom ng tubig na nasa baon kong tumbler. Palagi kasi akong nagbabaon ng tubig o kaya naman ay lalagyan. Mahal kasi kapag sa tindahan pa bumili. Sayang.
“Na lalaki ang iniisip mo kaya hindi ka agad nakatulog kagabi.”
Halos maibuga ko ang iniinom ko matapos marinig ang sinabi niya. Umubo-ubo pa ako bago nahihiyang tumingin sa direksiyon niya. “A-Ano ba naman ‘yang naisip mo, Ate Andeng. Parang suntok sa buwan ‘yan, e,” pagmamaang-maangan ko.
Mahina siyang tumawa. “Salamat naman sa Diyos at mali ang naisip ko. Alam mo kasi, ‘yang mga lalaki, papaiyakin ka lang din ng mga ‘yan sa huli. Huwag ka ng gumaya sa akin. Kasal kami ng asawa ko pero hindi na naman namin mahal ang isa’t-isa. Paano kasi, habang nagbubuntis ako, eh nambabae ang loko. Hay ewan ko ba riyan sa mga lalaking ‘yan!” Naiiling na reklamo niya.
Hindi ko naman maiwasang malungkot para kay Ate Andeng. Kahit papaano naman kasi ay itinuring ko na siyang nanay, kapatid, at kaibigan kaya ramdam ko ang sakit na pinagdaraanan niya.
Mapait akong ngumiti sa kaniya. “Mukhang hindi naman ng lalaki, katulad ng asawa mo, Ate Andeng. . .” komento ko.
“Ay sus! Anong hindi? Paano mo naman nasabi?”
Kaswal akong nagkibit-balikat at nag-iwas ng tingin. “Wala lang. Malay mo, may mga mabubuting lalaki pa rin sa mundo. Hindi naman kasi porque nasaktan tayo ng isa, sasaktan na rin tayo ng lahat.”
“Hay nako, Riley. Tingnan mo nga ‘yang Tatay mo, oh. Mukha ba ‘yong mabuting lalaki? Sa halip na alagaan ka at pag-aralin ka, aba’y iyon at nasa sugalan at ikaw ang pinaghahanap ng pera. Parehas sila ng asawa ko, parehas makapal ang mukha!”
Napalabi ako. Tama naman kasi siya. Kahit saang anggulo ko mang tingnan, alam kong masama nag tatay ko. Ni minsan nga ay hindi niya ako itinuring na anak--- silang dalawa ni Nanay. Minsan ko na ring hiniling n asana iba ang nanay at tatay ko; sana hindi sila tulad nina Nanay at Tatay. Pero habang tumatanda ako, saka ko napagtanto na wala naman akong karapatang magreklamo sa kung sino man ang magiging magulang ko. Sabi nga ni Nanay, anak lang naman ako kaya sino ako para magreklamo sa buhay na mayroon ako?
Malakas akong bumuntong hininga bago isinara ang dala kong bauunan. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain nang maisip kung gaano ako kamalas sa buhay--- at kung paano ako walang magawa sa kamalasang iyon.
“Ate Andeng, mauna na ako sa ‘yo. Ako ang naka-tokang maglinis sa mansion, e,” pagpapaalam ko kay Ate habang inaayos ko ang baunan ko.
Nag-angat ng tingin sa akin si Ate Andeng at kunot-noo akong tiningnan. “Ha? Hindi pa nauubos ‘yang pagkain mo, ah? ‘Di ba sabi mo noon, kailangan lagi mong ubos ang pagkain mo kasi hindi ka nakakasiguro kung makakakain ka pa sa susunod?”
Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya at kapagkuwan ay mapait na napangiti. “Kakain ko rin naman ‘to mamaya, Ate. Hindi ko naman sasayangin,” tanging sambit ko at isinukbit na ang dala kong bag. “Mauna na ako sa ‘yo, Ate, ha? Magkita nalang tayo mamaya.”
“Oh siya, sige. Ayusin moa ng trabaho mo, ha? Baka mamaya, masermonan ka na naman,” paalala niya.
Mahina akong tumawa. “Huwag kang mag-alala, Ate. Wala si Mang Herman sa loob ng mansion.”
Napailing siya sa sinabi ko at nagpatuloy na sa pag-kain samantalang tinalikuran ko na naman siya at naglakad na patungo sa mansion ng mga Ongpauco. Mukhang maaari na naman akong pumasok sa loob dahil hindi na ako hinarangan pa ni Mamang Ichi kaya’t dire-diretso akong pumasok. Katulad ng nakasanayan ay ibinigay ko sa isa sa mga katulong sa bahay ang dala kong bag nang makapasok ako.
“Ate, ano pong puwede kong gawin? May maitutulong po ba ako sa inyo?”
“Ah, Riley. Wala na namang masiyadong gagawin rito kaya. . .”
“Wala na po?” takang tanong ko. Saglit siyang napaisip bago nag-angat ng tingin sa akin na animo’y may umilaw na bumbilya sa utak. “Nasa garden ‘yong pinsan ni Ma’am Danielle. Nagpapadala ng pagkain kaya ikaw na lamang ang magdala.”
Awtomatikong umawang ang bibig ko matapos marinig ang sinabi niya. “P-Po? Ah ano kasi. . .”
Kapag sinabi niyang pinsan ni Ma’am Danielle, nakakasiguro akong si Yvvo ang tinutukoy niya. Ayaw ko na namang makita pa si Yvvo, ano. Matapos niyang guluhin ang isip ko kagabi, talagang gagawin ko talaga ang makakaya ko para makaiwas sa kaniya. Tulad na lamang ng ginawa ko maghapon. Talaga namang ginawa ko ang best ko makapagtago lamang sa kaniya at nang hindi na mag-krus p anag landas naming dalawa. Pero ngayon. . .
“Ano? Ayaw mo ba? Wala ka na kasing gagawin pa sa mansion kaya---“
“Wala na po ba talagang iba?” tanong ko pa.
Mabilis siyang umiling bago ako sinimangutan. “Wala na talaga, e. Sabihin mo lang kung ayaw mo at nang maisumbong na kita kay Mamang Ichi.”
Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Ano raw? Kung isusumbong niya ako. . . “Ay! Joke lang, Ate, ano ka ba naman? Siyempre, joke lang. Sabi ko nga, heto na ako at susunod na sa ‘yo. Hindi na natin pa kailangang magsumbong kay Mamang Ichi,” mabilis na pagsuko ko sa kaniya.
Kapag isinumbong niya ako kay Mamang Ichi, paniguradong pag-iinitan ako niyon. Mainit pa naman ako sa mga mata niya kaya sigurado akong wala akong ibang kakaining almusal kung hindi ang sermon niya.
Ang matandang ‘yon talaga. . .
“Oh siya, naroon sa kusina ang dadalhin mong pagkain. Nakahanda na, dadalhin mo nalang,” sabi niya bago mabilis na naglakad palayo sa akin.
Muling nagtagpo ang aking mga kilay. Bakit pakiramdam ko, may kakaiba sa kaniya? Ang weird, ah? Kung nakahanda na pala, e ‘di sana siya na ang naghatid. Talagang iniasa pa sa akin. Tsk.
Naiiling akong nagtungo sa kusina. Bumungad naman sa akin ang nasa isang tray na puno ng pagkain. May cake, ice cream, fruit salad, spaghetti at manok. ‘Yong totoo, meryenda ba ‘to ni Yvvo o birthday niya? Napaismid ako bago kinuha ang tray na may lamang pagkain.
Walang gana akong naglakad papunta sa may garden at ang unang bumungad sa akin ay si Yvvo na prenteng nakaupo sa may patio habang relaxed na relaxed na umiinom ng buko juice. Naka-shades pa ang loko na animo’y nagbabakasyon sa beach.
“Andiyan ka na pala, Doll,” bati niya at bahagyang inalis ang suot na shades.
Sinimangutan ko siya bago ako naglakad patungo sa gawi niya. Ibinaba ko sa lamesa sa harapan niya ang dala kong tray na puno ng pagkain bago ako nag-angat ng tingin sa kaniya. “Iyan na po ang hinihingi niyong birthday bundle, Sir. Enjoy your birthday,” pamimilosopo ko.
Tulad ng inaasahan ay nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay. “It’s not my birthday,” tila naguguluhang sambit niya.
“Mauna na ako, Sir,” walang gana kong sabi at akmang tatalikod na nang muli siyang magsalita. “Doll,” he called ‘me’.
Muli akong lumingon sa kaniya. “May gusto pa kayo, Sir? Tubig? Juice?”
“N-No. It’s just that---“
“Kung wala na po kayong kailangan, aalis na po ako,” I immediately cut his words off.
“No, stop. This food isn’t for me. Ayaw ko nito.”
This time, it was my brows that drew in a straight line. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Sir, kung sasayangin niyo lang po ang pagkain niyo, maawa naman kayo. May mga taong hindi nakakain sa lansangan, may mga taong walang maihain sa hapag-kainan, may mga taong hanggang ngayon, wala pa ring laman ang tiyan. Hindi niyo po ako nanay pero sir, huwag po kayong magsayang,” mahabang litaniya ko.
Hindi ko kasi maiwasang mainis. Parang kanina lang, muntik pa akong hindi makapagbaon ng ulam dahil wala palang binili si Nanay na ulam kahit na may ibinigay naman akong pera. Saka ko lamang nalaman na sa labas pala sila nag-umagahan ni Tatay at hindi man lamang ako naalala. Buti na lamang at may tira p akong bente pesos sa wallet kaya nakabili ako ng sardinas.
Tapos ngayon, sasabihin niya na ayaw niya sa pagkain niya. Bakit siya nagrereklamo sa mga bagay na hindi naman kayang makuha ng iba. . . namin.
Bakit hindi siya marunong makuntento. . .
Akala ko ay magagalit siya dahil sinermonan ko siya ngunit nang mag-angat ako ng tingin ay hindi galit ang nakita kong emosyon sa kaniyang mga mata. His face softened when our gazes met. Napalunok naman ako.
He cleared his throat before looking at the food infront of him. “What I mean is, I don’t like sweets but. . .”
“Ayaw mo pala, ipinahanda mo pa. Ang dami mong trip sa buhay,” naiinis na komento ko. Hindi niya ba alam kung gaano kamahal ang mga pagkaing iyon?
Malakas siyang bumuntong hininga. “ I don’t like sweets but I know someone who do.”
“Ha?”
Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya’t agad na kumunot ang noo ko. After a couple of seconds, a smile crept on his lips. “Sabi nila, mahilig ka raw sa matatamis saka sa spaghetti at manok kaya. . .” Saglit siyang tumingin sa pagkaing nasa harapan namin bago niya ibinalik ang kaniyang tingin sa akin. “Here… This food is for you.”
My lips parted upon hearing what he said. “A-Ano bang trip mo?”
“Wala naman. Peace offering? Suhol? Ewan. But please, Doll. . .”
“Ano?”
Malakas siyang bumuntong hininga at nag-iwas ng tingin. “Can you please stop avoiding me now? I swear, I’m not a bad person. I won’t hurt you, I swear to my sisters’ name.”
------