“Hindi mo naman ako kailangang palaging tulungan sa mga ganito,” sita ko kay Yvvo. I turned my head towards his direction and pursed my lips together to prevent myself from smiling. Hila-hila niya ang baka na ako dapat ang maghihila samantalang taktakan naman ang pawis niya sa mukha dahil katirikan ngayon ng araw at naghihila siya ng baka. Medyo malayo kasi ang napastulan kanina ni Mang Herman kaya inutusan akong ilipat para mas madali mamayang hapon. Yvvo heaved a deep sigh. “Gusto ko, e,” tanging sambit niya bago tipid na ngumiti sa akin. Umismid ako sa kaniya. “Sabihin mo nga sa akin,” panimula ko at pinanliitan siya ng mata. “Ginagawa mo ba ‘to para pandagdag sa pogi points kuno mo?” Napatigil sa paglalakad si Yvvo at kapagkuwan ay sumimangot kaya’t tinaasan ko siya ng kilay. “Sa

