“Nasaan po si Kuya, Dad?” Agad na tanong ko nang makarating ako sa dining area. Nakaupo na si Dad doon at naghahanda ng kumain ng tanghalian samantalang bakante naman ang upuan ni Kuya. Day off niya ngayon kaya naman ineexpect ko na narito siya sa bahay buong maghapon. Iyon din ang rason kung bakit hindi ako kumain ng umagahan kanina rito sa dining area at sa halip ay nagpadala na lamang ng pagkain sa aking kuwarto. Akala ko ay naroon si Kuya at para makaiwas sa away ay hindi na lamang ako sumabay sa kanila sap ag-kain. “Maagang umalis kanina ang Kuya Harvey mo. Hindi ko nga lamang alam kung saan iyon nagpunta.” Napatango ako bago umupo sa aking puwesto. “Baka po about sa trabaho, Dad. You know him naman po, sa trabaho lang umiikot ang buhay niya,” natatawang sambit ko. I was expec

