“Ano naman kung makita tayo ng Nanay mo? Let’s say hi to her.” Tumigil ako sa pagtakbo kaya’t tumigil na rin si Yvvo. Bumaling naman ako ng tingin sa kaniya at tiningnan siya nang masama. “Baliw ka ba? Hindi ba’t kasasabi ko lamang kanina na bawal nga akong pumunta rito sa bayan? Kapag nakita niya ako, ako ang malalagot doon pag-uwi ko.” “Why aren’t you allowed to go here? Masiyado namang over protective ‘yang Nanay mo. Pati pagpunta sa bayan, hindi puwede?” Inismiran ko siya habang umiiling. “Hindi mo kilala ang nanay ko,” mapait na sambit ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Ilang taon ka nang nagtatrabaho sa hacienda?” Biglang tanong ni Yvvo na agad na ikinakunot ng aking noo. Taka naman akong tumingin sa direksiyon niya at saktong nakatingin din siya sa akin. “Mula noong naka-gra

