Chapter 7

1959 Words
Jenan followed McCartney's hand as he snatched her gun and tucked it in his pants pocket. Arrest huh? Tingnan lang natin, sa isip ni Jenan. She stand still, forcing him to make the next play. He took hold of her left arm again and repositioned his gun against her neck. "Right hand on top of your head, right now." Tumalima agad siya sa sinabi nito, ang hinihintay lamang niya na makakuha siya ng advantage mula rito. "One wrong move and I shoot you." banta pa ng lalaki sa kanya. Gago to ah, sana pinosasan nalang niya ako para hindi ako magkakamali ng galaw. Ngunit naging mabilis ang sumunod niyang kilos. Sa isang iglap lang ay lumundag siya sa ere, sabay ikot. Isang pamatay na spinning kick agad ang ibinigay niya rito para hindi na ito makaporma. Nalaglag naman ang hawak na baril nito. Sapol kasi sa kaliwang pisngi si McCartney saka mabuway itong napaatras. She had no other choice, but to challenge him in a man to man combat. Mukhang nakabawi na ang lalaki mula sa pagkabigla. Marahan kasi nitong pinahid ang dugo mula sa pumutok na labi. Nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa kanya. He pulled his chest out and stretched his arms as a preparation for a fight. He rushed toward her. Pero ang bawat sipa, suntok at atake na ibinibigay niya sa lalaki ay naiilagan nito. She got frustrated...but she was even more frustrated of herself. She needed to defeat him. She had no other choice para lang hindi maaresto nito. Kailangang maunahan niya ang lalaki. But he was closer to the gun than her. She needed to move quicker than him or she would be dead. Well, hindi naman siya literal na mamamatay. Ngunit masisira ang plano niya sa pagpatay kay Royet kapag nahuli nga siya nito. And she couldn't afford that. This was a personal mission. Kailangang maipatupad niya ang paghihiganti kay Royet upang matahimik na ang buhay niya. Kung madedehado man siya sa labanan nila ng lalaking ito, may baril pa naman siyang nakalagay sa kanyang binti. Ngunit hindi pa niya pwedeng gamitin iyon. Nang gumalaw ang lalaki upang abutin ang baril ay mas mabilis ang ginawa niyang pagkilos. She made a quick jump at sinipa ang baril palayo. She saw his jaws moved. Pero nanatiling relax ito. She was ready for his next assault. She was on the defensive side ngunit sanay naman siya roon. She inched her way near the gun. Ang lalaki ay lumapit din sa direksyon ng baril. At nang akmang pupulutin niya ang baril ay naging mabilis ang pagkilos nito. Isang malakas na sipa ang tumama sa kanyang paa at natumba siya sa lupa. Kasabay nang mahinang pagibik ay mabilis siyang bumangon. Nakita niya ang muling pag-atake ng lalaki ngunit nakahanda na siya at kaagad na nakaiwas. Ang mga sumunod na sandali ay palitan ng suntok at sipa sa pagitan nila. Naiilagan niya ang lahat ng atake nito. At the same time ay naiilagan nito ang mga atake niya. Ngayon ay pareho na silang humihingal. Nang muli namang umatake ang lalaki ay muli niyang nailagan ito ngunit hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari. Natagpuan na lamang niya ang sarili na bihag ulit nito. He was holding her from the back. At itinutok nito ang hawak na baril sa kanyang leeg. "Give me a reason to squeeze the trigger." Nanuyo ang lalamunan niya at halos hindi na siya makapagsalita. Ano ba talaga ang motibo ng lalaking ito sa kanya? Ang arestohin lang ba siya o mas may malalim pa na rason? "Got her." sabi nito sa mahinang boses sa kanyang earpiece o sa phone nito. Kung anuman ang rason na yon, pwes hindi na siya mag aatubili pang gamitin ang kanyang baril sa ankle holster. Ang kailangan lang niya ay humanap ng perpektong pagkakataon dahil iyon ang pinakahuling alas niya. "Roger that." sabi ulit ni McCartney sa kanyang kausap. She glanced over her shoulder as he pocketed the phone. Nilipat naman bigla ni McCartney ang pagtutok sa baril nito at inasinta ngayon ang kanyang puso. "I know you have your ankle holster. Drop it on the ground, and I'll stay here with my finger on the trigger." Sa gilas na ipinakita ng lalaki ay hindi niya maitatangging magaling nga ito sa hand to hand combat. He must be a Martial Arts expert to give her a challenging fight. She had a black belt in karate, pero mukhang mahirap din tapatan ang isang ito. This was going to be harder than she thought, especially no one backing her up. Bigla namang sumingit sa isipan niya ang imahe ni Jarred. Sana bigla nalang itong lumitaw sa kung saan at sagipin siya. Pero hindi! Hindi siya dapat umasa ng ganoon, lalo na sa lalaking iyon! Ito naman talaga ang gusto niya eh, ang magtrabaho mag-isa. She didn't want to be rescued, especially by the man she'd once dreamed of spending the rest of her life with. Kahit ngayon, ang isipin palang si Jarred ay magbibigay na ito ng kirot sa puso niya. No. She didn't have time for heartache, not with Royet on the loose and herself in a battle of wits with a highly trained Interpol Agent. Pilit naman niyang iwinaksi ang mga naglalaro sa isipan niya at ibinalik ang buong pokus sa katunggaling lalaki. "You'll have to let go of my arm for me to get that gun." Niluwagan naman ng lalaki ang pagkakahawak nito sa braso niya pero nanatiling hindi pa rin siya binibitawan nito. With his mouth near her ear, he whispered. "If you try anything stupid, I have no qualms about hurting you." Oo, alam niya na kaya nga itong gawin ng lalaki. "I think you're pretty damn offensive. If I know, you would have never said that to a man." He let out a sardonic chuckle. "I couldn't give a damn that you're a woman." sagot pa nito. At a slow pace, she bent and stretched her right hand down toward her gun. "What's your real job with Interpol?" untag niya rito. He tsked. "I'm sure you've already guessed the answer to that. You want me to tell you, anyway?" She tugged her pant leg up, then unbuttoned the strap holding her back up 9mm in place. "Why don't you go ahead and spell it out for me what you're doing here?" Hindi sumagot ang lalaki, bagkos ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pagtanggal sa baril mula sa kanyang ankle holster. Then she dropped the gun between her legs, the barrel propped against the top of her right foot. "What's your plan with that move? Are you going to kick it up and grab it from midair?" "Something like that." sarkastikong sagot niya. "It almost be worth letting you try that, but how about instead you shuffle it behind you." "I would, but I can't move." He lifted his knee away from where he had her leg pinned, so she slid the gun back as he'd asked, bidding her time. "I wasn't going to strip-search you, but you're not giving me a lot of choice." wika pa ng lalaki saka ginamit nito ang hawak na baril para itaas ang suot niyang pang itaas. Nadiskubre tuloy nito ang kanyang concealed carry-gear belt. "Whoa! You're like a one-woman army, here. Grenades, ammo, flash bangs and multi-tool. And I'm sure there's more in here somewhere." Bigla siyang kinapkapan nito sa kanyang dibdib na ikinagulat niya ng husto. His touch was clinical, free of s****l undertones, but she still had to ignore the sensation of being violated. She pushed off her left leg and stood, twisting into the hand that still held her wrist to pin it behind her and bringing his face into strike range. She elbowed him in the nose, then ducked under his gun holding arm and twisted again, locking out and twisting in the arm of the hand that held her wrist until he had no choice except to release her. Agad namang sumugod sa kanya si McCartney, but before he could come close to her, she immediately spinned to kick his front leg. Bahagyang napayuko ito sa sakit. Isinunod niya ang isa pa nitong binti. Tinadyakan rin niya ito ng ubod lakas. Napahiyaw ito sa sakit. She immediately stood, took a momentary step back, took a deep inhalation and before McCartney could move, she made an incredible take off and launched herself into the air. She magnificently flew to the air, weightless and powerful, and executed a killer jumping front kick. Natamaan sa kaliwang panga si McCartney at napaatras lang ito. Halatang ininda ng husto ang malakas na sipa niya. Sunod-sunod na flying kick ang ibinigay niya rito na sinalo nito lahat hanggang sa tuluyan itong bumagsak patihaya sa lupa. Mabilis niyang niyapakan nang mariin ang kanang kamay nito na may hawak na baril. Napahiyaw ito sa sakit, sabay bukas ng palad. Inagaw niya ang baril nito at isinukbit ito sa kanyang beywang. Pagkuway ubod lakas na ibinagsak niya ang sariling tuhod sa sikmura ng lalaki. Napaigtad ito sa kanyang bigat. Then she punched his face as hard as she could. Nahiwa ang kilay ng lalaki dahilan sa pagdurugo nito. Pero hindi basta magpapatalo si McCartney. Biglang kinabig nito ang leeg niya. Sumakop sa leeg niya ang malalaki nitong kamay. She gasped for breath. She knew there was only one way to stop him. Maliksi niyang pinalusot ang isang upper cut sa pagitan nila, sapol ito sa baba. The impact was so strong that he loosened his grip to her neck. Then, she sharply dropped her elbow to his throat. Marahas niyang hinablot ang kwelyo nito at hinugot niya ang isang patalim na itinago niya sa kanyang bra. Itinutok naman niya ito sa leeg ng lalaki. "Should I shoot you or slice your neck?" "Nice one. But there's just one little problem." Pagkasabi non ni McCartney biglang narinig nila ang tunog ng isang papalapit na sasakyan. Huminto ang isang van dalawang metro ang distansya mula sa kinaroroonan nila. Mukhang ang van na yon ay service shuttle ng resort. Nang bumukas ang van, bumaba ang dalawang matitikas na lalaki na may tig-iisang rifle at agad itong lumingon sa direksyon niya habang nakaasinta ang mga hawak na rifles sa kanya. "Agent Jenan Bachman, you have nowhere to run." Ang mapang-inis na boses ni McCartney ang dahilan na gusto niya itong pagsusuntukin sa mukha ng ilang beses. Putcha! "Drop the weapon and get your hands in the air." mando pa sa kanya ni McCartney. Wala na talaga siyang pagpipilian pa kundi sundin ito. While she processed the turn of events, McCartney scooted from beneath her, gathered her discarded weapons and stood. Pinulot din nito pati ang nalaglag niyang computer bag. "We'll need this as evidence." sabi nito sa kararating lang na mga kasamahan. God, hindi maaaring makuha nila ang mga kagamitan ko. "I see you weighing your options, but the only one that will keep you alive is to get your hands in the air. We're the best of the best and I wouldn't underestimate us if I were you." "If you're the best, it's only because my team's out of the picture." Ngunit napahalakhak lang ng tawa ang tatlo. Saka napapailing si McCartney sa kanyang ulo. "Nearly two years ago, the team your talking about nearly destroyed a billion-dollar, international operation, and Royet Moore sold national secrets to the highest bidder. And you know that it is a mortal sin in our organization." Alam niyang wala talaga siyang kalaban-laban sa tatlo, kaya ang nararapat na gawin niya sa mga oras na yon ay ang sumunod sa sinasabi nito. At sa unang beses sa tanang buhay niya, ngayon pa lang yata siya kusang sumuko. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD