Sa loob ng restroom, maingat na pinihit ni Jarred ang seradura ng pinto upang mapakinggan nila ang pag-uusap nina Eulyses at ng mga taong naghahanap sa kanila. "What did these Filipino-Americans do to bring you all the way out to St. Croix?" untag ni Euly sa mga ito. "One of them is an escaped convict and the other two are his accomplices." Mukhang mga Amerikano nga ang mga taong iyon base sa itsura at ang accent nito. Pero kahit sinuman sila, wala naman silang katibayan na magkasabwat sila ni Jenan sa pagtakas kay Royet. "As you can see, they're not here." kalmadong pahayag ni Euly. "Sir, there are three armed and dangerous criminals loose on this island. They destroyed the hotel's rum distillery and killed some of our operatives." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jenan, ala

