CHAPTER THIRTY-SIX AMBER'S POV "A-AMBER." Ang malambing na sambit ni Zeus sa pangalan ko ang tila nagpabalik sa katinuan ko. Aminado akong mas'yado akong nadala sa mainit at mapaghanap nitong halik. Tumingin ako sa paligid nang maalala ang kaibigan nito ngunit maski anino nito ay hindi ko nakita sa buong paligid. "Amber..." Hinawakan nito ang pisngi. Sumalubong sa akin ang nang-aakit nitong mga mata. "Kung si Xan ang hinahanap mo, kanina pa siya tumakas. Habang pinagkakakalmot mo ako, tumakas na siya." "Hindi ko napansin." "Sa akin kasi naka-focus ang atensyon mo and I love it, baby." Pagkatapos niyon ay muli nitong sinakop ang mga labi ko. Nagpaubaya ako. Matapos ang mapamugtong-hiningang halik na iginawad nito sa akin ay inalalayan niya akong makaupo sa sofa. "Z-Ze..." kin

