CHAPTER FIFTY-FOUR AMBER'S POV Ilang sandaling tanging hagulhol lang namin ni Tatay at ng pamilya ko ang maririnig. Sa nanlalabong mga mata ay kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Zeus. Bahagya pa itong nakanganga habang nanlalaki ang mga mata. Titig na titig ito kay Tatay. "Gano'n kademonyo ang Nanay mo, ngayon mo sabihin sa akin na hindi ko siya dapat idamay." "Hindi totoo iyan," mahinang sabi ni Zeus habang umiiling. "Totoo. Hindi nakarating noon ang anak ko para sumama sa'yo dahil tinangka siyang ipapatay ng Nanay mo. Tinangka niyang ipapatay at ipagahasa ang anak ko.!" "Tama na! 'Tay, tama na...tama na.." pakiusap ko. Nanghihinang napaupo ako sa damuhan dahil sa pagragasa ng mga eksena sa isip ko. Kung paano ako makipaglaban sa mga taong iyon para lang makatakas, para hindi nil

