CHAPTER FORTY-TWO ZEUS'S POV MAAGA akong nagising kinabukasan dahil plano kong ayusin ang paa ng kama na nasira namin ni Amber kagabi. Dahil sa kalibugan ko nasira ko iyon at muntik pa kaming mahuli ng Tatay ni Amber. Hindi ko napigilan ang mapatawa nang mahina nang maalala ko ang naganap kagabi. Nagkunwari akong binabangungot para hindi kami mahuli ng Tatay ni Amber. Bilib na bilib na sana ako sa acting skill ko kung hindi lang ako nasampal ng Tatay nito. Masakit iyon dahil bigay todo ang lagapak sa pisngi ko. Hindi ko na lang mas'yadong ininda dahil nanunuot pa rin ang kilig sa puso ko nang mangyari iyon. I can't imagined myself na gagawa ng kalokohan huwag lang mahuli ng Tatay nito. Pero aaminin kong kakaiba pala iyong excitement kapag gano'n. Iyong ang tatanda na namin pero kailan

