HUMINGA ako ng malalim upang pawiin ang paninikip ng dibdib ko. Paninikip na dulot ng walang pagsidlang kaligayahan. Narito kami ngayon sa Auditorium ng St. Ignatius para sa Moving-up Ceremony ng batch namin. Abot hanggang tainga ang aking ngiti habang nakatingin ako sa mga ka-batch mate kong isa-isang umaakyat sa entablado upang tanggapin ang kanilang ng certificates, katibayang nakapagtapos na kami ng Junior High School. Corteza, Amelie Brianna At nang tawagin na ang pangalan ko ay halos mapunit ang mga labi ko sa pagkakangiti. Hindi ko alam na may ilalapad pa pala ang ngiti ko. Umakyat ako sa entablado at tinggap ang katibayan ng aking pagtatapos sa Junior High School. Malapad pa rin ang ngiti sa aking mga labi na kinamayan ko ang guro na nag-abot niyon sa akin. Pagkatapos ay humara

