"WALA PA BA ANG ASAWA MO, HIJA?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong tinanong ni Mommy Victoria kung nasaan na si Aki, mula pa kanina. Panay iling naman ang isinasagot ko rito. "Tinawagan mo na ba?" Tila nagagahol pa ring tanong nito. "Aba, ay ilang sandali na lang at mag-uumpisa na ang party ng apo ko, wala pa rin ang ama niya? Ano raw ba ang importanteng kailangang puntahan sa ospital at hindi pa muna pinatapos ang kaarawan ng anak n'yo bago nagpunta roon?" Wala naman din akong maisagot dito kaya't napahinga na lamang ako ng malalim, sabay tanaw sa gate ng aming bahay upang tingnan at baka paparating na ang sasakyan nito. Ngunit katulad kanina, ay wala pa talaga. Ilang beses ko na ring tinawagan si Aki para tanungin kung nasaan na ito, panay sandali na lang ang sagot sa

