“MUKHANG para talaga sa baby ang buhay na ito. Kahit ako, hindi ako makapaniwala that the baby survived. For now, we will monitor her, and we’ll wait for your wife to gain consciousness. Excuse us.” Nilapitan ako nina Mommy at niyakap ako. I can’t express myself. Hirap na hirap akong mangapa ng tamang mga salita para masabi kung anong nararamdaman ko. “She’s alive…” I feel like I am convincing myself than I am convincing them. Paulit-ulit pa rin sa aking isipan na buhay si Eula at ligtas din ang anak namin. Parang ngayon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag simula nang mangyari ang lahat ng ito. When Eula was transferred to the ICU, limitado lang ang mga taong maaaring bumisita sa kanya at limitado lang din ang oras. Hinayaan ako ng pamilya ko at pamilya ni Eula na ako muna ang

