HINDI lang ako ang napatayo sa naging anunsyo ni Zeke. Maging sina Yago at ang iba pa sa pamilya ni Zeke ay halatang nagulat din sa kanyang sinabi. “I think my ears are doing magic in me. Did I hear him right? Sa ilang taon kong kilala si Zeke, alam nating lahat na siya ang pinakauhaw sa kapangyarihan tapos…” “Shut up, Luciel!” suway sa kanya ng pinsan niyang si Yago. “I know, this is shocking news for everyone. May ilan na hindi matutuwa sa desisyon ko, some may respect my choice. But you all know by now that my wife is very pregnant, and I want to focus on my family. Gusto kong ibigay ang atensyon, pagmamahal, at oras ko sa kanila. Gusto kong maramdaman ng mga anak ko na nasa tabi nila ako. Being the boss of the organization is a huge responsibility at ayokong magkaroon ng kahati ang

