“MRS. BENAVIDEZ.”
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon at tumawag sa akin. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag nila akong Mrs. Benavidez. Para sa akin ay isang panaginip pa rin na kasal na ako at sa isang kagaya ni Zeke.
Zeke Benavidez is someone who is so hard to reach. Kaya parang hindi makatotohanang sa kanya ako nagpakasal.
Tumayo ako upang pagbuksan ng pinto si Raya. Boses pa lamang ay alam ko nang ito iyong babaeng tauhan ni Zeke na ipinakilala niya kanina. Maayos na naman ang suot kong damit, hindi kagaya kanina na medyo nagusot dahil sa ginawa namin ni Zeke.
Nang maalala ko iyon ay parang nag-apoy sa init ang aking pisngi.
Hindi nga ako nagkamali. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si Raya roon. Magalang niya akong tinanguan.
“Sinabihan po ako ni Sir Zeke na turuan kayo ng mga dapat ninyong malaman ngayong kasal ka na raw po sa kanya. Sa study room na lang tayo, Mrs. Benavidez—”
“Please, just call me Eula.” Hindi talaga ako sanay sa itinatawag nila sa akin.
Tipid siyang ngumiti. “Sa study room na lang po tayo, Ma’am Eula.”
Mukhang kahit anong sabihin ko at pamimilit na Eula na lamang ang itawag nila sa akin, tatawagin pa rin nila ako na may paggalang kaya hindi ko na lamang ipinilit ang gusto.
Nagtungo kaming dalawa sa study room, kahit hindi ko alam kung anong gagawin namin doon. Kailangan ko bang mag-aral para lang makilala kung anong klase tao si Zeke at kung anong klaseng pamilya ang mga Benavidez?
May nakita akong mga files sa isang mesa. Pinaupo ako sa office chair ni Raya kaya naupo ako.
“Lahat po ng makikita mong dokumento riyan sa inyong mesa ay tungkol sa mga Benavidez at sa pamilyang malalapit sa kanila. Kailangan ninyo iyang malaman lahat bilang asawa na kayo ni Sir Zeke,” pagpapaliwanag ni Raya.
Halos malaglag ang aking panga habang tinitingnan kung gaano kakapal ang dokumentong tinutukoy ni Raya.
“If you’re more comfortable reading them using electronic devices, you can read the documents using the laptop and the iPad. If you have any questions, you can always ask me.”
Pilit akong ngumiti kay Raya nang matapos siya sa pagsasalita. Binalingan ko ang mga dokumento at binasa ang file name nito.
Benavidez Mafia Organization.
Mafia?
My brain buffered for a while, thinking about the word mafia. Mafia as in the mafia.
Tumingin ako kay Raya na nakatingin lang sa akin at mukhang naghihintay ng magiging katanungan ko.
Mabilis ang aking paghinga at bubuksan pa lamang sana iyon nang pigilan ko ang sarili.
“Zeke is part of a mafia organization? Miyembro siya roon?”
Gulat na gulat ako sa aking nalaman pero hindi na masyadong naghisterya. Ere pa lamang ni Zeke, ramdam mo nang may kung anong madilim sa pagkatao niya.
“Yes, Ma’am,” sagot ni Raya.
Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ang paglunok ko ay kay hirap gawin dahil ang kaalamang tungkol sa pagiging miyembro ni Zeke sa ganoong organisasyon ay nagpapabara sa lalamunan ko.
“Take note, he’s not only just a member, Ma’am, he’s the current boss of the organization.”
Kung kanina ay gulantang na ako sa mga nalalaman, mas lalo na ngayon.
Ano itong pinasok ko? I find it weird to marry Zeke, kasi hindi ko siya lubusang kilala tapos ngayon ay malalaman ko ang mga ganito tungkol sa ngayo’y asawa ko na?
Kabado man ay hindi ko ipinahalata kay Raya. Tumango lang ako na para bang tanggap ko agad ang lahat kahit nagbubuhol-buhol na ang mga litid ko sa katawan.
Zeke is a mafia boss, and I am his wife!
“Maiwan ko na muna kayo, Ma’am. If you need anything, you can call me and Miles.”
Umalis si Raya at iniwan ako. Ibinaba ko ang tingin muli sa mga dokumentong kay kapal. Hindi pa ako nagsisimula ay hinihingal na ako.
Naandoon ang history ng kanilang organisasyon. I read it thoroughly, kahit na sumasakit ang ulo ko sa rami ng mga pangalan nakikita ko. Do I need to memorize them all?
Nang makita ko ang pangalan ng ama ni Zeke na si Zavian Benavidez ay roon lang ako nagkaroon ng interes. So, mula sa lolo na Zeke ay sila na ang namumuno nito? Tatlong henerasyon at sila ang parating boss. Buti hindi nagrereklamo ang ibang kamag-anak nila. May kaunting pagkakaiba lang sa ama ni Zeke dahil bago niya makuha ang posisyon ay nakuha muna ito ng isa sa mga pinsan niya—si Mr. Silvanus Benavidez. I wonder what happened.
Ipinagkibit-balikat ko iyon at pumunta sa mga susunod na pahina. Nakita ko ngayon ang henerasyon nina Zeke. Totoo nga ang sinabi ni Raya, si Zeke ang boss. Kung baga sa isang food chain, siya ang nasa tuktok.
Kinilala ko ang mga kasamahan niyang magpatakbo ng organisasyon. Yago Benavidez is his consigliere. Nakita ko siya sa kasal namin dahil siya ang best man ni Zeke. Kagaya ni Zeke, hindi rin marunong ng emosyon ang isang ito. Ang second in command niya ay si Gareth Benavidez at dalawa pang underbosses na sina Luciel at Azriel Benavidez.
“Nalilito ako,” bulong ko sa sarili.
Pumunta naman ako sa iba pang tauhan na ang tawag ay caporegimes. They are high-ranking members of the crime family na head ng mas mababang tauhan ng pamilya. Nakita ko ang pangalan ni Miles na isa sa caporegimes ni Zeke at sa ibaba ng pangalan nito ay si Raya. Hindi na ako magtataka bakit sa kanila ako ipinagkatiwala.
Nang hindi na makayanan ng isip ko ay tumayo ako. Naglagay na lamang ako ng palatandaan kung saan ako natapos magbasa. May mga background din ng ibang pamilya na mukha kaibigan ng mga Benavidez at maging iyon, kailangan kong malaman at maintindihan.
Hindi pa rin ako makapaniwala na mula sa isang ganitong klase ng pamilya si Zeke. Madalas ay nakikita ko lang ang mga ganito sa pelikula…and I must say, they are not good people.
Papunta ako ng kusina para kumuha ng maiinom nang maalala ko kung anong ginagawa sa akin ng aking ama sa tuwing lumalabas ako ng silid kung saan niya ako ikinukulong. Na maging pagkuha ng tubig ay ikinagagalit niya.
Napahawak ako sa hamba ng pinto at ipinikit ang aking mga mata, pilit na tinatabunan ang mga pangit na alaala ng pang-aapi.
“Ma’am?”
I flinched and step back. Muntikan pa akong magmakaawa na huwag akong saktan, inaakala na ang humawak sa akin ay si Papa.
Nagulat sa akin ang kasambahay na tumawag sa akin. Nagulat siguro siya sa naging reaksyon ko.
Ikinalma ko ang aking sarili. Kailangan kong paalalahanan na wala ako sa bahay namin at wala rito si Papa. Hindi niya ako masasaktan habang naandito ako.
“O-Okay lang po ba kayo?”
Pilit akong ngumiti sa kanya, itinatago ang takot na nararamdaman sa mga naisip at naalala.
“Okay lang ako. Pasensya na, magugulatin lang talaga ako.” Tumingin ako sa may ref at itinuro iyon. “Kukuha lang sana ako ng tubig. Okay lang ba?”
Natulala siya sandali sa sinabi ko bago dahan-dahang tumango.
“Oo naman po, Ma’am. Kayo po ang may-ari ng bahay, hindi ninyo na po kailangang magpaalam. Dapat nga po ay tumawag na lang kayo at nagpahatid sa study room para hindi na kayo naabala.” Ngumiti siya sa akin at ikinuha ako ng baso ng tubig.
Naupo ako sa highchair na nasa may island counter. Inilagay ng kasambahay ang baso ng tubig sa harapan ko.
“Nagbigay po ng bilin si Sir Zeke bago siya umalis kanina, na kung may kailangan kayo o gusto, susundin po namin. Kaya huwag po kayong mahihiyang lumapit sa amin, Ma’am. Kayo po ang amo namin dito. Pasensya na po kung nagulat ko kayo kanina.”
Hinawakan ko ang baso. Naramdaman ko ang lamig nito.
Ako ang amo? Ibig bang sabihin ay walang magsasabi sa akin na bawal akong kumain dahil palpak ang mga ginawa ko sa buhay? Na bawal akong lumabas ng silid ko dahil wala akong nagagawang tama kapag umaalis ako ng kuwarto ko? No one will verbally and physically abuse me here, right?
Napangiti ako sa sarili. Iba ang mga tao sa bahay na ito kumpara sa bahay namin noon. Iba si Zeke kay Papa. Kailangan kong tandaan iyon.
“Thank you.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Anong pangalan mo?”
“Nova po ang pangalan ko, Ma’am.”
Muli akong ngumiti sa kanya at ganoon din siya sa akin. Tinanong niya pa ako kung may kailangan pa ba raw ako pero umiling ako.
Nang sumapit ang gabi, nakaramdam ako ng kaunting excitement. Nakahanda na ang mga pagkain para sa hapunan at pinaupo na rin ako malapit sa kabisera.
Excited ako dahil madalang ako noon na kumain nang may kasabay. Hindi ko nakakasabay si Papa sa pagkain sa hapag-kainan dahil kapag wala sila, ako lang mag-isa ang kakain. Kapag naandiyan sila, madalas nasa kuwarto ako at ikinulong. Swerte na kapag nakakasabay ko sina Entice at Tita Tricia.
Ipinilig ko ang aking ulo. Ayoko nang isipin ang mga bagay na ‘yon. Hindi ko na dapat dinadala ang kaisipang iyon dito. Hindi pa rin ako malaya dahil nakatali pa rin ako kay Zeke, pero malaya na ako sa aking ama. Dito sa bahay na ito, hindi niya ako masasaktan.
“Si Zeke?” tanong ko kay Miles na nasa gilid ko.
“Nasa opisina pa po si Sir, Ma’am.”
Lumagapak ang aking saya sa narinig. Nasa opisina pa siya? Hindi pa ba ito uuwi?
“Anong oras ang uwi ni Zeke? Hihintayin ko na lang siyang umuwi bago kumain.”
Gusto kong maranasang makasabay kumain ang asawa, baka sakaling maging maayos ang pagsasama namin kapag ganoon ang naging kaugalian naming dalawa.
“Tatawagan ko po si Sir, kung ganoon.”
Ngumiti ako kay Miles kahit hindi niya iyon ibinalik sa akin. Naisip ko na maging friendly sa mga kasamahan ko rito lalo na’t sila ang parati kong makakasalamuha.
Hinintay kong bumalik si Miles. Takot man ako kay Zeke, wala pa naman siyang ginagawa sa akin para mas matakot pa ako sa kanya.
Bumalik si Miles at inabangan ko ang kanyang balita sa akin.
“Hindi pa raw po makakauwi si Sir Zeke. Mauna na po kayong kumain, Ma’am.”
I can feel the hollowness in my stomach. Para akong biglang nawalan ng ganang kumain.
“Matagal pa ba siyang uuwi? Kaya ko namang maghintay—”
“Bilin niya po na mauna na kayong kumain, Ma’am.”
Bumagsak ang aking balikat sa sinabi ni Miles. Pati ba naman dito ay mag-isa akong kakain?
Hindi ako kumibo at nanatili lang na nakaupo habang pinagmamasdan ang pagkain. Nawalan na ako ng gana.
Tumayo ako makalipas ang ilang oras. Nabigla ang iba habang sina Raya at Miles ay nakatingin lang sa akin, inoobserbahan ang aking kilos.
“Ma’am—”
“Magpapahinga na ako. Hindi ako nagugutom.”
Hindi ko na hinintay pa na magsalita sila. Umalis agad ako roon at nagtungo sa pangalawang palapag para makapasok sa aming silid.
Ipinikit ko ang aking mga mata bago sumandal sa pinto ng aking silid. Pati ba naman dito ay pakiramdam ko mag-isa ako. Mali ata ako nang inisip ko na magkaiba ang bahay na ito at kina Papa dahil hindi. Kahit saan ata ako pumunta, I will always feel alone.
Naghanda ako sa pagtulog. Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng damit. Nahiga ako sa kama at hinigit ang duvet para ibalot sa aking katawan. Ipinikit ko ang aking mga mata kahit walang planong matulog.
Wala na akong ideya sa takbo ng oras. Nakapikit lang ako habang nakahiga pero hindi nakakatulog.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Kumalabog agad ang aking psuo. Alam ko at malakas nag pakiramdam ko na si Zeke iyon, otherwise they will knock.
Mas lalo kong ipinikit ang aking mga mata. Nakatalikod naman ako sa kung nasaan ang pinto kaya hindi niya mapapansin na nagtutulog-tulugan ako.
Tumunog ang kanyang cellphone at agad niya iyong sinagot.
“Hello,” he said in a low voice. “Home.”
Pinakiramdaman ko kung anong maaaring pinag-uusapan nila pero wala talaga akong makuhang hint dahil sa tipid ng sagot ni Zeke.
“Tomorrow. Do that, Azi.” At natapos na ang pag-uusap nila.
May ilan akong ingay na narinig na sa tingin ko ay dahil sa pagkilos ni Zeke. Nagbukas-sara ang pinto ng banyo at ganon din ang walk-in closet. Naamoy ko ang bango ni Zeke pagkalabas niya roon.
May kumatok sa pinto at si Zeke ang nagbukas. Hindi ko alam kung anong nangyari pero agad bumalot sa ilong ko ang bango ng mga bagong lutong pagkain kahalo ng bango mula mismo kay Zeke.
Napamulat ako. Naramdaman ko bigla ang gutom at naalalang hindi pa nga pala ako kumain ng hapunan kanina.
“Eula…”
Magpapanggap pa sana akong tulog ulit ngunit huli na ang lahat dahil nakita ko na si Zeke na nakatayo sa harapan ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya. The dim light of my lampshade illuminated on his face.
“You haven’t eaten dinner, why is that?”
Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa mesa malapit sa kama. Nakita ko na naroroon ang isang tray ng pagkain. Napalagok ako sa aking laway at nag-iwas ng tingin.
“I don’t want to eat alone.” Nawalan ako ng gana nang sabihin nila na hindi ka uuwi para sumabay sa akin ng pagkain. Hindi ko na iyon sinabi pa sa kanya, sinarili ko na lang.
Lakas loob kong tiningnan nang diretso si Zeke sa mata. Hindi ko pa rin talaga mabasa ang tumatakbo sa isipan niya o kung anong nararamdaman niya. His eyes remained calm yet cold.
“Then, let’s eat. Pinadala ko na ang mga pagkain dito. You’re not going to sleep with your empty stomach.” Tinalikuran niya ako at pinuntahan ang mesa para maayos ang mga pagkain doon.
“Hindi ako gutom—”
“What did I tell you about talking back to me?”
Oh, right. I need to obey him.
“Let’s eat, Eula.”
Napaangat ulit ang ulo ko. Tiningnan ko si Zeke na naupo na sa isang silya. Doon ko rin napansin na dalawang pinggan pala ang naroroon.
Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya. Tiningnan ko ang mga nakahaing pagkain at lalo akong natakam.
“Hindi ka pa rin ba kumakain?” Anong oras na rin, ah? Akala ko sa office na siya kakain.
“I already ate,” he said. “But if you want to eat with someone, I can eat again. Now, sit.”
Para akong tuta na naupo sa tabi niya kung saan niya ako gustong maupo. Napayuko ako sa kahihiyan lalo na nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan ko.
“Don’t skip your meals again.”
Kinagat ko ang labi ko and secretly smiled at myself. He’s not bad at all…I guess?