NAKAKAIN na ako ng hapunan, hindi ko pa ulit nakikita sina Tatiana. Kaya nang may pumasok na nurse sa silid ko, agad ko siyang kinausap. “Nasaan sina Tati?” tanong ko. “May inaasikaso lang po sina Miss Tatiana pero pupunta po ata siya mamaya rito. May kailangan pa po ba kayo, Ma’am Eula?” tanong sa akin ng nurse. Umiling ako at tipid na ngumiti sa kanya. Hinihintay ko si Tatiana dahil marami pa akong gustong itanong sa kanya, lalo na ang tungkol kay Claudio at kung ano na bang nangyayari sa labas ng silid na ito. Iniisip ko rin na ang mga sinabi ni Tati sa akin tungkol sa kakambal niya. Napangisi ako sa sarili. Hindi ko mapunto kung pinag-aayos niya ba kami ni Zeke o mas pinapalala niya ang sitwasyon naming dalawa. Bumukas ang pinto at pumasok si Tati. Kaagad siyang naupo sa silya sa

