“NANDITO ka na naman?” Mataray na bungad sa akin ni Charlotte. By this time, hindi na niya kasama ang lalaking kahapon na si Frigo. Pagkatapos ng aking shift sa trabaho ay dito ako dumeretso sa bahay ng mga magulang ko. Temporary ako'ng tumuloy sa isang apartelle para magpalipas ng gabi then I've decided to go back here, desperadong makipagayos sa kanila. Iyon nga lang, hindi ko magawang tuluyang pumasok sa loob. Nanghihina ang mga tuhod ko sa tuwing susubukan ko. Hanggang sa abutan na nga ako ngayon dito sa labas ng bahay ni Charlotte, hindi ko pa rin nagawang makapasok. “Sinabi ko na sayo, gusto ko'ng maayos ang pamilya natin.” Matatag ko'ng wika. “Nababaliw ka na talaga, galit sila mama at papa sayo. Sukdulan hanggang langit. May sakit si Papa sa puso at siguradong kapag nakita ka

