"Wala akong kasalanan officer! Hindi ko dala ang mga pakete na 'yan!" I just felt so numb and weak. Tuluyan na ngang nakatakas ang kamalayan ko sa bisa ng alak. Napaka-nostalgic ng mga kaganapan. Pakiramdam ko ay dinala muli ako sa nakaraan kung saan naiipit ako sa isang sitwasyon na maaring hindi ko malapagpasan. Masama ang tingin sa akin ng pulis, hindi naniniwala. “Ipaliwanag mo sa amin kung paano napunta sa bag mo ang mga pakete ng m*******a?” “H-hindi ko alam! Maniwala kayo! Hindi ko talaga alam!” “Kanino pala ito kung ganoon? Ang mabuti pa, sumama ka nalang sa amin sa prisento.” “Mamang pulis, nagsasabi ako ng totoo. Utang na loob mag-imbestiga kayong mabuti dahil hindi talaga ako ang may dala ng mga m*******a na 'yan.” “Tumahimik ka! Kailan pa umamin ang isang kriminal sa

