Minsan kahit anong gawin nating iwas sa pangit na nakaraan kung patuloy pa rin itong nagpapaalala satin, hindi tayo tuluyang makakausad. Hindi natin kayang imani-obra ang kapalaran. If it's meant to happen then it will happen. Escaping is not a best option but you can use this as an armour from loneliness and heartache. At kung may tao man akong gustong takasan at kalimutan, iyon ay ang lalaking minahal ko sa nakalipas na sampung taon. "Sepp..." Animo'y patalim sa dila ko ang paglabas ng mga katagang iyon. Hindi ko na maalala kung kailan ko ulit binanggit ang pangalan niya. Sampung taon pero tila kahapon lang ang nangyaring insidente. Sariwa pa rin at napakasakit kapag tuwina'y iisipin ko. Unti unti akong bumaba mula sa mababang bakod at ganon rin si Centauri na kakikitaan ng takot

