HINDI ko malaman kung dala lamang ng sobrang pag-inom ng libreng kape sa shop itong paranoia na nararamdaman ko. Para kasing may mga matang nakapako sa likod ko at nagmamatiyag sa kilos ko. In other words, may sumusunod sa akin habang pauwi ako ng apartment. Napansin ko na ang isang kotseng nakaparada ilang metro ang layo sa shop kanina habang pa-out kami ni Alyssa. Mula sa pagsakay ng tricycle at pagbaba sa kanto ay nasundan ako ng isang itim na sasakyan. Minadali ko na lamang ang paglalakad patungo sa apartment. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyang makapasok sa gate ng aking inuupahan. Nakasalubong ko pa ang isang tenant na may pagtataka sa mukha ng tingnan ako. Nginitian ko lang ito at binagtas agad ang bintana ng aking kwarto upang makita ang kotse kung naroon pa ba sa labas

