Damon Satine Saavedra

2857 Words
Tsk. Kala mo naman kung sinong pinagkakaguluhan ng mga to! Kung alam niyo lang ang ugali ng pasaway na nasa gilid ko ngayon di niyo siya titingalain! Tsk campus crush my ass. Inis kong pinasadahan ng tingin ang mga babaeng malalandot na nagkukumpulan sa quadrangle na dinadaanan namin at ng magpang abot ang mata namin ng katabing kong pasaway ay inarapan ko siya! Inayos ko lang ang sout kong uniform dahil meduo nagusot iyon. "What's wrong Belle?" umirap nalang ako ulit dahil nakakagigil ang ngiting nakakaloko na nasa mukha niya ngayon! "Shut up! Saavedra at baka di kita matantya baka ipatapun kita sa Isla ng mga unggoy!" humagalpak lang siya kakatawa at kulang nalay ay ang humiga at maglumpasay siya sa sahig sa sobrang tuwang nararamdaman niya. Inayos ko nalang din ang hindi nakaayus niyang school uniform. Ang laking damulag hindi kayang mag ayos nang sarili. " Wag naman ganun Belle iiyak ang mga fan girls ni San" Nagsidatingan na ang iba pang bugok. Earl Stanley Cruz. Matangkad na moreno. Mahahabang pilik-mata at kulay Hazel brown na mata . Isa sa mga kababata namin ni Damon . Isang certified slowpoke na mukhang pinaglihi talaga sa pagong. Matalino naman si Stanley pero ang hina pumick up ng mga simpleng chitchats at jokes. " Okay lang na umiyak sila basta matuwa ako. Kakaumay na pagmumukha nitong si Saavedra" inirapan ko sila ang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa building naming. " Galit na galit sa mga gwapo ang aga-aga pa Belle. May lumalabas na usok sa ilong mo." " Tumahimik ka Karl. Sasamain ka sakin." ngumuso naman siya at sinamaan ako nang tingin. Sunod namang dumating ay si Karl Zues Natividad. Moreno din kagaya ni Stanley. Well-built ang katawan sa kakalaro ng iba't-ibang sports . Siya lang naman si Mr. Sporty ng grupo. Yun nga lang pag kami kasama niya para siyang laging sinasapian ng pagka-monggoloid niya. " Inaaway niyo nanaman si Belle." Lastly the bunso. Ashley Gray Cruz and twin sister ni Stanley. Pero magkaiba sila ng kulay at medyo pandak ang babaeng ito. Kung gaano ka slow-poke ang kakambal niya ay ganun din siya. Parehong pinaglihi sa pagong. "Nagiging amazona nanaman ba si Belle , San?" natatawa pang dagdag ni Ashley. Na pumapapak ng Lollipop! Tsk isip bata! Kay ganda ko namang amazona noh. Naka-tambay kami malapit sa may quadrangle sa likod namin ay ang faculty building, sa gilid naman niyon ay cafeteria at ang nasa harap namin ay ang napakalaking soccer field. "What else? jan yan magaling si Belle e." Sagot pa ng hindi pa tumigil kakatawa na Saavedra nato. " Nga pala Belle sumabay ka sa akin mamaya pauwi pinabilin ni Kuya mo sakin. Mukhang uuwi manaya ang parents." natigilan akk sa sinabi niya. Wala namang sinabi sa akin si Kuya na uuwi sila Mommy mamaya. "Whatever. Mauuna na ako may first's class about to start" " Ha?" tinasaan ko nang kilay si Karl dahil sobrang linaw naman nang pagkakasabi ko at magkaharap lang naman kami. "Sabi ko mau---" "Hamburger..." hahampasin ko na sana siya nang biglang tumunog ang bell. Gagong iyon agang-aga sinisira ang araw ko. - Pagkarating ko sa room namin ay wala pa naman ang prof. pero mukhang ako nalang ang di pa dumadating kaya agad-agad nalang akong umupo. " Good morning ABM-Class A. May bago kaylng classmate. A transfer student." Saktong uupo na ako ng dumating ang prof. namin na may kasamang babae. Di lang siya basta babae lang. Maputi, mala-gatas na kutis , heart shape face, at mukhang natural ang mapupulang labi neto. The nose's curves is in its right place. She's like a Goddess. A human Aphrodite to be exact. " Introduce yourself iha." "Hi , My name's Angelica Chua. Pleased to meet you all!" at napansin ko din ang singkit niyang mata at sa tingin ko ay may lahing Chinese and babaeng ito. Natigilan naman ang mga kaklase kong lalaki nang ngumiti ito. Kita naman sa mga mata ng mga babae ang inggit and iba naman ay namangha sa ganda niya. Inikot nang prof ang paningin niya at ngumiti nang makitang nakatingin akk sa kanya. Tumango ito at nagsalita ulit. "You may now take your sit. Ms. Monterde kindly assists Ms.Chua . You'll be assigned to tour her as the class president okay?" "Yes, Miss" sagot ko at tumango lang ulit siya. Mahinhin siyang naglakad papunta sa upuang nasa tabi ko lang. She smiled at me nang makarating na siya sa mismong upuan. She handed her hand for a hand shake. " Hi, My name's Angel" Kay ganda naman neto kahit sa malapitan. Ano kayang skin care neto? Hehe. " My name's Isabelle. Pero you can call me Belle din naman, yun kasi tawag nila sakin ." " You have a very nice name." tango lang ang ginanti ko sa kanya. Kahit na gusto kong ngumuwi dahil dun. Hindi naman din siya dumaldal dahil nagsimula nang magdiscuss ang prof namin ng kung anong-anong bagay na may kinalaman sa Earth Science. Aanhin ko yang science na yan? Magagamit ko ba yan sa office? - " Ahh. Belle" tawag sakin ng babaeng katabi ko nung lumabas na ang Biology Prof. namin. "Oh Ms.Chua , You can take your lunch with me but is it okay if we have some company?" Promal na sabi ko sa kanya. She smiled and nodded softly. She's too angelic. Her name suits her well. " Is it really okay if I join you. Parang medyo nakakahiya naman ata Belle." aniya pero sumabay parin naman saking lumakad. I smiled at her to assured that she's welcome to join as for lunch. The way she walks and talks is so much for a fine lady. Kabaliktaran ko to ha. Maarte ako oo, pero mas lamang pagka jologs ko noh. Ito kasing si Angel halatang classy ih. Pagkarating namin sa pwesto namin nang barkada dito sa cafeteria ay nag-uunahang kumuha nang extra chair sina Karl at Saavedra. Aba naman talaga porket maganda. "Chikababes!! Pero! Belle natomboy kana ba? Sabi na nga ba e kaya ang sakit mong sumuntok kasi Tibo ka pala! Bakit di mo sinabi samin ha. " Ang monggoloid na si Karl mukhang di pa nakakainom ng gamot ang isang to. Dinig na dinig ang boses niya kahit na malayo pa naman kami sa usual table namin. Napailing nalang ako. Nasa table nanaman namin ang atensyon nang karamihan. Why not? We are all well known in the school. " Good afternoon po Miss Pres." bati sakin nang mga nadadaan kong mga studyante. " Good afternoon too." bati ko pabalik. " She is Angel Mae Chua bagong classmate ko." I introduced her to the group. " Hi, I'm Ashley. Ang pretty mo naman anong lahi mo?" unang nagpakilala si Ash na kahit na sobrang obvious naman ay nagtanong parin siya. Nilalaro sa kamay ang hawak na stick nang lollipop na wala naman nang laman. " I'm pure chinese" nahihiyang sagot niya kay Ash. "Marunong kabang mag chinesse garter?" singit ni Karl. Sunod namang nagpakilala ang dalawang bugok na sona Stanley at Karl. " I'm Damon" pormal na pakilala ni San kay Angel naglahad pa nang kamay ang kumag. Sana all. Kanina pa pagkarating namin sa table ay napako ang tingin ko kay Saavedra na parang may kakaiba sa titig niya kay Angelica . He's like love at first sight to Angelica and what the hell my heart is in pain. Sumama ang sikmura ko nang makita iyon. Akalain mo yun kaya niya palang umamamo. " Aba ang tagal nang rampa Miss Pres. Parang kang laging may campaign kahit saan, Belle." kausap sakin nang unggoy pero di ko na pinatulan late reaction siya. Nakatitig lang ako kay San na simula nang dumating kami kami ni Angel ay di na nawala ang tingin niya dito. Nahihiya namang ngumiti si Angel sa kanya. "Are you okay Belle?" di ko namalayan na nakatulala na pala ako habang kumakain. Tinignan ko kung paano pagsilbihan ni Damon si Angel. It's so different. Why am I suddenly feeling a bit if sting in my chest. "Bakit? May sakit ba si Belle natin? Bakit di ko man lang alam! Belle naman e bakit di mo sinabi sakin na may sakit ka pala?!" Binatukan ko nga abnoy na babaeng to. Tsk minsan nagtataka talaga ako bakit ko naging kaibigan ang mga to e! "Sis naman, tignan mo nga oh! Paano makakapagsabi si Belle sayo e may sakit nga diba? Belle, nanghihina ka ba? Gusto mo dalhin ka namin sa infirmary?" Isa din to e! Nakooong kambal ko. Puro Abnoy e. "Mga bugok! Walang sakit si Belle! Tinatanong ko lang kung okay siya kasi nakatulala e baka lang kasi iniisip niya ang gwapo kung mukha. Hahahahaha "ani ni Karl tsk. Dumagdag pa ang isang bugok! "Talaga Belle? Iniisip mo siya?" "Nako naman Stanley bakit ko naman iisipin ang monggol na si Karl?Tsaka nakakastress isipin ang mga unggoy." at tumawa nalang kaming lahat sa sinabi ko. "Mukhang may planong tumino itong Damon natin ah!" at napuno ulit na ng tawanan ang table namin. Nakalimutan kong may kasama pala kami. "Tapos nako. Pwede bang mauna nalang ako? Saavedra tour Angel around."Badtrip na badtrip ang nararamdaman ko. Lakas maka mood swings e .Kaya pumunta nalang ako sa garden instead of going to the library at sinaksak sa tenga ko ang earphones but I didn't turn on the music. I was about to close my eyes nang makita ko siya. Philip Thomas Saavedra . He used to be so close to us but we happened that caused him to walk away from us. Mag-isa siya sa table habang nagbabasa ng Chemistry book. Siguro ay magre review. I remember how we used to study together in that table. I was happy but not contented dahil alam kong iba naman ang gusto ko. At mukhang hanggang sa tingin nanaman ako dahil tinamaan ata ang demonyong iyon. Muntanga din tong si cupido pumana dapat ako sana yun. Tsk. Lalapitan ko na sana si Philip pero mukhang nauna niya kong makita kaya umalis na siya bago pa ako makarating sa table niya. Nakokonsensya ako sa nagawa ko sa kanya. He doesn't deserve it. - Uwian na at may plano kaming tumambay sa Cafè nila Karl dahil friday naman ngayon. Tuwing friday kasi ay tumatambay talaga kami dun sa cafè na yun. Hindi na ako nagulat ng madatnan ko sa labas ng room namin si Damon. Kailangan ko nga palang uuwi nang maaga dahil uuwi ang parents ko ngayon. Tsk. "Oh tara na!" kumunot lang ang noo niya at bumaling sa likod ko. Kaya naman pala. Dahil nasa likod ko si Angel. Bakit nga ba ako umasa na ako ang hinihintay niya. Tsk katangahan. "Ay sige mauna nako." "Belle, sasama nga pala satin si Angel tumambay." sabay kuha niya sa mga gamit ni Angel. He's being a gentleman! Kala mo naman bagay sa kanya! He looks like a freaking puppy. Inirapan ko lang siya kahit hindi naman siya nakatingin sa gawi ko. Nauna akong umalis papuntang parking lot. Naririnig ko pa silang nag-uusap kahit ilang dipa na ang layo ko sa kanilang dalawa. Nandon na sila at mukhang kami nalang ang hinihintay. Nasa tapat na sila ng kanya-kanya nilang mga kotse. Nang dumating sila Damon ng tumatawa. "Timaan ang bugok! hahahahaha " tawang-tawang ani ni Karl na agad naman binatukan ni Damon. Nalilito lang na tinignan sila ni Stanley at Ashley. What can we expect? " San, I can't. Uuwi ang parents ko remember?" did he just forgot about it. Parang ngayon lang nag sink in talaga sa kanya na dapat nga pala akong umuwi nang maaga ngayon. " Sige na. I'll just call Kuya para siya nalang ang sumundo sakin." I didn't let him react and slightly smiled. " Sure ba? Malilintikan ako nang Kuya mo." napakamot naman siya nang ulo at nahihiyang tumingin kay Angel. " Pwede mo siyang ihatid na muna Dame. Tsaka tayo tumambay." sabi ni Karl na parang naiinap na at atat na atat tumambay nanaman. " Oo nga, super scary pa naman ang kuya ni Belle. Pero ang handsome." napailing nalang ako kay Ash matagal na niyang crush ang Kuya ko. " Is it okay na dumaan muna tayo kila Belle?" paalam niya kay Angel. Why? Bakit magpapaalam siya kay Angel. Si Angel ba magpapagas sa kanya. Tsk. " Of course Dame." mahinhing sagot niya at ngumiti sa akin. Nauna na ako sa sasakyan ni San. " Sama ako" inuhan pa ako sa front seat nang unggoy na si Karl. Iniwan ang sasakyan niya. " Ako din!!" hindi kami kakasiya kung pati itong si Stanley ay makikisabay kay San. Umiling naman si Karl sa kanya. May kasama pang daliri. " Di na pwede baby boy, tsaka ano namang gagawin mo sa kambal mo sa sasakyan mo. Hindi naman marunong mag drive iyan." nguso niya kay Ashley na nakaupo na sa front seat at tumitingin lang sa aming lima na naka tayo sa kotse ni San. " Next time Stan, I'll bake us cookies at dun nalang tayo sa bahay tumambay next time." natuwa naman siya sa sinabi ko at bumalik na sa kotse niya. Hinayaan naman namin silang mauna. " Kita kits nalang sa tambayan!" sigaw ni Karl kahit di naman na siya maririnig. Inirapan ko nalang siya at sumakay na sa back seat katabi si Angel. Ang walanghiyang Karl ay inon pa ang ang stereo. Parang may ari lang. " You're the one that I've been waiting for, Gotta quit this crying" natawa ako dahil alam niya pala ang kanta ni Lady Gaga. " Nobody's gonna heal me if I don't open the door. Kinda hard to believe, gotta have faith in me" mas nagulat ako nang pati si San ay sumabay din sa kanta. Natawa ako sa kanilang dalawa. Akalain mo yun alam pala nila ang kanta ni Lady Gaga. "Freak out, freak out, freak out, freak out, look at me" tumulis pa ang tono nang mga boses nila. Napapailing nalang ako dahil may kasabay pang sayaw ang dalawa. "Get down, get down, get down, get down ,look at me" sumabay na din si Angel sa dalawa. Infairness maganda din naman ang boses niya. "Freak out, freak out, freak out, freak out. Look at me now" tuluyan na akong natawa nang tumaas na ang boses ni Karl. " Nako Belle, tawang tawa ah. Sige nga ikaw na kumanata" tumigil siya sa pagkanta at nag pout pa na ang unggoy. Natawa naman ang dalawang kasama namin. Nag aabang na nakatingin si San sa rearview mirror niya. Nginisihan ko siya at sumabay sa kanta. " Now it's time to free me from the shame. I gotta find that peace, is it too late? Or could this love protect me from the pain?" nakangising kanta ko sa line nang kantang to. I smirked at Karl nang makitang nakangisi din siya sa akin. Unti unti akong natigilan sa pagkanta nang sumabay sa akin si Angel sa pag kanta. " I would battle for you even if we break in two. Freak out, freak out, freak out, freak out look at me. Get down, get down, get down, get down look at me. Freak out, freak out, freak out, freak out." " Aba iba din manok mo Dame. Marunong." natatawang sabi ni Karl at tinapik sa balikat si Dame. Dahil malapit lang naman ang subdivision sa school ay nakarating na kami agad. Nang makita ko ang sasakyan ni Kuya sa loob ay nag taka ako. Akala ko ba ay busy at hindi ako masusundo. Nauna pa siyang umuwi sa akin. " Nasa bahay na tayo nang princess." humirit pa ang demonyo inirapan ko nalang siya. Bumababa pa siya para pagbuksan ako nang pinto. Aba gentleman. " Salamat sa paghatid manong" natatawang sabi ko pag kababa. " Wag mong kalimutan ang chocolates bukas Belle." parang nag abroad lang ang parents ko. Kumaway nalang ako sa kanila at hinayaang mauna silang umalis. San's car swiftly drove away from our house. Sa entrance plang nang bahay namin ay naririnig ko ang boses nang mom ko. " For God's sake Anthony." Mom's voice echo's in the living room area. Nakita ko pa sila Manang na nakampol sa may kitchen at nakatingin sa tatlong nasa sala. I wonder what is this about this time. Nagyon ko lang narinig na tumaas ang boses ni Mommy habnag kausap si Kuya. He is the perfect Monterde Heir after all. The first born and the one taking up law. " Isabelle." mom stares are piercing at me na para bang may ginawa din akoang kasalanan. Nasa sala silang tatlo at mukhang seryoso ang pinag uusapan. " Mommy, Daddy. I thought you're on a business trip." sabi ko nang lumapit para bumeso sa kanila. They didn't even bother to talk to me. This day does not getting better at all. Kuya slightly smiled at me nang lumapit ako sa kanya para bumeso then. " Go to your room, Belle. May importante lang kaming pag-uusapan nila Dad." bulong niya sakin. " Kuya, what's happening?" " Everything will be fine, Belle. Don't worry." he smiled at me and I just slightly nodded. As soon as I turned my back Mom started saying something again to Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD