THIRD PERSON's P O V " Vic! " tawag ni Carmen sa kasamahang guro nang matanaw niya itong pababa na sa first floor, huminto naman ang tinawag niya kaya nakalapit siya rito " Ahm, h- hindi kita nakita k- kahapon a- after ng klase natin? " kiming saad niya Ngumiti naman ito sa kanya na hindi kita ang mga ngipin. " Hindi na talaga ako nagpa kita sa'yo dahil natanaw na kitang kasama mo ang nobyo mo. Tama ba? Kasintahan mo nga ba iyon? " saad nito " O- Oo! Sana nagpa kita ka, p- para naipa kilala ko kayong dalawa at nakapag- usap na sana tayo. " pahayag ni Carmen Bahagya naman natawa si Vic. " Hindi na! Baka mag selos pa ang nobyo mo sa akin. Tsaka ang gusto ko, tayo lang dalawa ang mag- uusap, ayoko ng may ibang makaka rinig. " wika pa nito " Ano ba kasi 'yon? Pwede mo nang sabih

