CARMEN's P O V " Kumusta si Clyde? " masuyong tanong ni Jansen pagkarating niya, agad niya akong niyapos tsaka hinalikan sa noo Nandito kami sa k'warto namin ng anak ko at kakatulog lang ulit niya. Pagkatapos mag kwento sa kanya raw Ama. " G- Ganoon pa rin, " basag ang boses natugon ko sabay yakap din sa kanya, " J- Jansen, h- hindi ko kaya kapag n- nawala si Clyde sa akin. " impit na saad ko sa kanya sabay subsob sa dibdib niyang medyo nagka laman na Noong nasa Senior highschool kasi kami ay payat siya. Magda dalawang taon na rin kaming mag kasintahan dahil sa kanyang pagta tyagang ligawan ako. " Sshhh! Ako na ang gagawa nang paraan na humingi nang tulong kung ayaw mo? Bigyan mo lang ako nang pahintulot. " saad naman niya Hindi ako ako nakakibo, hindi ko na nga mabilang kung i

