CARMEN's P O V " Baby, hindi ka ba sasama sa akin sa university? " malambing kong tanong sa kanya habang nag bibihis na ako at siya ay nag lalaro pa rin no'ng robot na bigay ng bago naming Prof. " Hindi po, Mommy, sa isang araw na lang po. " magalang naman nitong tugon kaya nangunot ang aking noo " Bakit sa isang araw pa? " takang tanong ko pa Paano ko kasi makaka usap ang lalaking kamukha niya kung hindi siya sasama sa akin? Balak ko pa namang kapag gumamit ulit siya ng CR ay susundan ko para makilala ko na rin tuloy. " Sa isang araw pa po kasi mag tuturo si Tito Vic, Mommy, sabi po niya h'wag akong sasama sa'yo roon kapag wala siya. " mas lalong nag salubong ang kilay ko Dahil bakit nakikinig na siya rito e para kailan lamang silang nagka kilala? Kaya naman tinapos keep na an

