Delulu girl...
"oh my honey sugarplum! Teddy bear honey pie my sweet darling!" Malagkit na Sambit ni Olivia sabay taas ng kanyang kutsara na may laman na letche flan.
Parang gusto ko nalang tuhugin ng kutsara ang aking Tenga pati narin ang aking mga mata dahil sa letcheng dalawa na nasa harapan ko na kulang nalang gumawa ng milagro at mag-live stream pa dito.
Kahit na anong itapon ko sa kanila na matalim na titig, hindi parin tumigil ang dalawa sa kaka-harot. Mapapa-potangina ka nalang.
"Here comes the airplane!"
Tinignan siya ng kanyang jowa na si arthur ng malagkit na titig at may ngiting aso na tinanggap ang letche plan.
Napangiwi ako at gusto ko nang masuka sa ginagawa nila.
PORKET SINGLE LANG AKO GAGANITUHIN NYO NA AKO! ABA!
Napa-buga ako ng malakas na hangin at tinuhog ang aking kutsara sa letche flan.
Potcha, nakaka-letche Silang tignan!
Kanina pa ako naririndi sa kanilang ka-cringehan. Kung hindi ko lang sila kaibigan baka nasampal ko na sa kanila tong letche flan na kinakain ko.
"Amanda, yung letche flan kawawa naman" natatawang Sabi ni Olivia sa akin. Napatingin ako sa inosente Kong letche flan na gutay gutay na at sira na.
Shet, sorry letche flan. Nadamay ka pa sa kabwisitan ko.
fly high to letche heaven!
"Please lang, may malapit na Sogo dyan oh, dun kayo mag-lampungan wag sa harapan ko jusko!"
Ngumisi si Arthur sa akin sabay inakbayan si Olivia.
"Ang sungit mo ngayon Amanda, red days mo ba ngayon?" Mapang-asar na tanong nito. Inangat ko ang aking labi at matalim siyang tinignan.
"Nah, ganyanan yan kasi napagalitan nanaman ata yan ni boss Mathew" ani ni Olivia habang winawasiwas ang kanyang Kamay.
Tama naman siya. Ganito ako dahil sa letcheng CEO namin na si Mathew Jake Santiago. Ang CEO ng publishing company.
Isa akong copywriter sa publishing company at nag-proofread ng mga pinupublish naming stories and articles. Mahirap Pero kaya kaso nakakabwisit yung CEO namin.
"ANO BA TONG NILALAGAY MO AMANDA! YUNG HUGE NAGING HUGO!"
"ULITIN MO ULIT TO! I-PROOFREAD MO! MALI-MALI YUNG MGA GRAMMAR AT SENTENCES!"
"MALI ETONG FONT NA NILAGAY MO! PALITAN MO ITO, AMPANGIT TIGNAN!"
napasabunot nalang ako sa sarili Kong buhok habang iniisip ang nagkukumpulang mga papel na nakapatong sa aking desk.
"Ganyan talaga kapag single, andaming problema" binigyan ko ng matalim na titig ang shokoy Kong katrabaho na si Ben. Hawak-hawak Niya ang kanyang Starbucks na coffee macchiato at may chocolate slice cake sa Isa niyang Kamay.
"Wag mo Kong bwisitin ngayon Ben, baka sayo ko i-proofread lahat" pagbabanta ko sa kanya Pero ang letche tinawanan lang ako sabay umiling.
Sinipsip ko nalang ang aking frappe habang napapangiwi at nandidiri na tinignan ang dalawa na busy sa pag-PDA sa harapan ko.
Kung pwede lang lumipat ng table ginawa ko na eh, kaso naalala ko palang nilibre ako ng dalawang to Kasi "monthsarry" kuno daw nila.
Napairap na lamang ako sa hangin at kinuha ang aking cellphone at instalk ang i********: ni Hugo Clark Azores.
Isa sa manager namin si Hugo. Mabait at sobrang gwapo tinalo pa si kupido sa kagwapuhan! Napaka-masculine Niya at Moreno, mahaba ang buhok na hanggang leeg at may mapupungay na mata, matangos ang ilong at merong kissable lips. Langya akala mo Greek god na bumaba galing sa Olympus!
"Oh Amanda, yung laway mo tumutulo. Iniistalk mo nanaman si Hugo noh?" Mapang-asar na Sabi ni Olivia sabay tinaas-baba ang kanyang kilay. Tinignan ako ni Arthur na may malaking ngisi sa kanyang labi.
"Bakit kasi hindi mo pa pinaglalapit ang dalawa Arthur para hindi na yan maging single habang buhay" ani Niya sabay siniko ang gilid ng tiyan ng kanyang nobyo.
Magkaibigan sina Hugo at si Arthur. Kaso hindi Niya ako binibigay Kay Hugo. Ewan ko ba kung bakit.
Napanguso na lamang ako habang pinaglalaruan ang straw sa frappe ko.
"Alam mo naman Yun na kulang nalang ibigay ang buhay Niya sa trabaho. Masyado siyang seryoso sa work, tsaka wala siyang plano magkaroon ng jowa, kahit nga fling wala"
Well, Tama naman siya. No gilfriend since birth si Hugo. Means virgin pa siya sa lahat. First kiss, first holding hands, Pati sa anes, hehe Alam nyo na Yun.
At mas Lalo ko siyang nagustuhan dahil sa pagiging greenflag Niya, malaki ang respeto Niya sa Babae Pati narin sa nakakatanda.
Pero si Mathew? Ewan ko ba, sarap nga tawagin siyang Alfonso eh, nakulangan ata sa chaser kaya ganyan kainit ng ulo Niya.
NAPASUBSOB AKO SA aking desk dahil sa mala-bunduking papeles ang nag-aantay para ma-proofread ko.
"Kailangan clear na yan Amanda. Hindi ka na dapat magkakamali" masungit na Sambit ni Sir Mathew sa akin.
Walang kabuhay buhay na tinignan ko ang mga papeles na nasa harapan ko. Ito ang bagong bigay ni sir Mathew ngayon sa akin.
"Yes sir" malumanay na Sambit ko at napabuntong hininga at hinarap ang aking computer at bumalik sa aking work.
Parang gusto ko na tumira dito sa office dahil sa madaming pinapagawa ni Sir Mathew sa akin. Ewan ko ba, lagi Niya akong trip pagdating dito sa trabaho. Gusto ko na nga mag-resign kaso nandito pala inspiration ko. Hehe.
Oo na, maharot na. Bakit ganun rin naman kayo ah, may inspiration sa work Pati narin sa school or university na pinapasukan ninyo. Wag I-deny(~ ̄³ ̄)~.
"Masungit nanaman sayo si Sir Mathew, may atraso ka ba sa kanya?" Napatalon ako sa gulat at tumingin sa akong gilid. Nandun si Hugo, may Matamis na ngiti at mapupungay ang mga mata. Naka-puson ang kanyang mahabang buhok at lumalabas ang kanyang dimple sa gilid ng lanysng pisngi.
I can feel my cheeks starts to get warm. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at tumikhim.
"H-hindi naman... G-ganun talaga si Sir. Matanda na kasi kaya nagsusungit"
Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. And oh god, ang ganda pakinggan ng tawa Niya. Parang musika na masarap pakinggan.
Napatalon ako nang naramdaman ko ang kanyang Kamay sa aking balikat at nilapit ang kanyang mukha sa aking tainga.
Nag-sitaasan ang aking Balahibo dahil sa mainit niyang hininga na humahaplos sa aking balat. Naamoy ko rin ang mint niyang hininga.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. At kinakabahan ako na baka naririnig iyon ni Hugo. Gusto na nga nito tumalon at pumunta sa matitipunong braso ni Hugo.
Gusto ko naranasan ma-headlock sa braso mo Hugo! Aacckk!!
Sinisigaw ng puso ko na gusto niyang magpa-headlock Kay Hugo. Kyaaa!!!
"Kung nahihirapan ka Amanda sa task mo, you can ask me at willing akong tumulong sayo" ani Niya at sabay kindat at umalis na sa aking desk. Napatulala ako ng ilang minuto at mas Lalong nag-init ang aking mukha dahil sa Sinabi niya.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang mga papeles na hawak ko. Pumikit ako ng mariin at pinadyak ng mahina ang aking mga paa dahil sa kilig na nararamdaman ko.
Hugo Sana willing ka rin na maging boyfriend ko!!
Determinado na talaga akong mapaibig sa akin si Hugo at walang makakapigil sa akin!
Dahil sa ginawa ni Hugo ay nagkaroon ako ng lakas at ginanahan sa trabaho. Hindi ko na nga namalayan na alas dyis na ng Gabi.
Inunat ko ang aking braso at tumingin sa orasan. Tumingin rin ako sa paligid at napagtanto Kong ako nalang pala ang mag-isa sa loob. Hindi naman ako natatakot kahit na maraming nagsasabi na may white lady daw dito. Jusko katanda na naniniwala parin sa gawa kwento.
Pero nakaramdam ako ng malambot na bagay mula sa aking likuran. Kinapa ko ito at kinuha. Isa itong kumot. Makapal at mabango.
Ngumisi ako at niyakap ang kumot at iniisip na si Hugo ang nagbigay nito.
Syempre, Pag si crush na yan delulu ng sobra.
Tinupi ko ng maayos ang kumot at napatingin ako sa desk ko nang may nakita ako na Isang coffee mug. Mainit pa ito at kakatimpla palang. Amoy na Amoy ko ang aroma ng kape at nang matikman ko ito ay napaliyad ako sa sarap.
Dinama ko ang init ng kape at napatingin sa bintana. Hindi mawala-wala sa aking labi ang malaking ngiti.
Ramdam ko ng malakas na pagtibok ng aking puso habang iniimagine ko si Hugo na dahan-dahang nilagay ang kumot sa aking likuran at sabay hinalikan ang aking noo.
Napa-padyak ako ng malakas dahil sa naisip ko. Namumula-mula na ang aking pisngi at parang may lumilipad na paro-paro sa aking tiyan. Bumuntong hininga ako at tinignan ang kape na hawak ko
"Hayysstt... Hugo, ligawan mo na ako. Masyado ka namang low-key manligaw" bulong ko sa aking sarili sabay umiling-iling.
Niligpit ko na ang aking gamit at pumunta sa dial phone sa office at tinawagan ang number ni Manong Efren.
"Manong, may taxi pa po bang nakapila sa labas?" Tanong ko sa kanya.
"Oo ma'am Tuvilla! Meron pa po nakapila, gusto nyo po ba tawagin ko?" Sagot nito.
"Sige po manong, pakisuyo po. Salamat po" Sabi ko sabay binaba ang Linya.
Sinarado ko ng maigi ang pinto at napatalon ako sa gulat nang makita si Sir Mathew na kakalabas pa lang ng kanyang opisina.
"G-good Evening sir Mathew" magalang Kong Sabi sabay yinuko ang aking ulo.
Inangat Niya ang kanyang tingin sa paper bag na hawak ko sabay inangat Niya ang tingin sa akin. Nandun parin ang malamig niyang expression. Hawak-hawak Niya ang Venti size na Starbucks at sa Isa niyang Kamay ay ang attache case.
"M-may problema po ba sir?"
Nanatili siyang tahimik hanggang sa pagsakay naming dalawa sa elevator. Malaking space ang agwat namin sa isa't-isa at ni Isa sa amin ay walang kumibo.
Nang tumunog na ang elevator ay pinauna ko muna siyang lumabas bago ako. Nang nakalabas na ako ay huminto siya at tinignan ako.
"Mag-tataxi ka?"
Nagulat ako sa tanong Niya. Hindi ko ineexpect na si sir Mathew ay magtatanong ng ganito.
"P-po? U-uhmm... Opo"
"Sumabay ka na sa akin, baka kung ano mangyari sayo" Saad Niya at tinignan ako.
Kumunot ang aking noo at tinignan ang soot ko. Wala naman problema sa pencil skirt ko at sa longsleeve Kong puti na pinatungan ng itim na blazer. At Tsaka may pepper spray naman akong parating dala.
"P-pero sir nakakahi-"
"No. Don't be. It's my obligation as your boss to make sure you're safe" ani Niya na nagpatigil sa akin.
Huminto siya sa pagkakalakad sabay tumingin sa akin ng seryoso.
"Wag kang masyadong assuming Ms. Tuvilla, hindi lang ikaw ang tinatrato ko ng ganito"
Napaangat ako ng labi dahil sa Sinabi niya. Kapal ng mukha, walang sinong matinong Babae ang mag-aasume nun Huy.
Nang nasa parking lot na kami, naglakad siya papunta sa isang kulay black na Lamborghini Aventador. Di na ako magugulat sa napaka-expensive niyang kotse. Syempre CEO siya eh.
Napaangat ako ng kilay nang binuksan Niya ang passenger seat para sa akin.
Hindi ko Alam na gentleman rin pala to, akala ko hanggang dito magsusungit parin siya.
"Thank you sir" magalang na Sambit ko sa kanya sabay Yuko at pumasok na sa loob. Tumango nalang siya at umikot at sumakay sa driver seat at nagsimula na umandar.
Sa pagbyahe namin ay walang umimik, nakasandal ang aking Kamay sa salamin habang tinitignan ang magandang tanawin na nadadaanan namin.
"So Ms. Tuvilla, natapos mo na ba lahat ng pinapagawa ko?" Ani Niya.
"Yes sir, nasa desk po lahat at isusumbit ko po iyon Kay Hugo bukas"
Lumingon ako Kay Mathew at nakita ko ang pagtiim ng bagang Niya.
"Bakit Kay Hugo kung pwedeng sa akin mo nalang ipasa?" Sabi nito ng malamig na Boses.
"Uhhhmm... Kasi po si-"
"I don't care kung ano man ang posisyon Niya Amanda. I want to always check your work. That's my job as the CEO and editor in chief of the company." ani Niya ng malamig na Boses. Tinignan ko siya ng pagtataka dahil sa kilos na ginagawa Niya. Naguguluhan ako kung bakit ganito ang trato Niya sa akin.
Nang nasa harap na kami ng apartment ay tinigil Niya ang kanyang kotse at humarap ako sa kanya.
"Thank you sir sa paghatid sakin dito sa apartment." Magalang na Sabi ko at bumaba na sa sasakyan pagkatapos ay yinuko ang aking ulo.
He just nod his head coldly then umalis na. Halos hindi na maipinta sa aking mukha ang pagtataka sa kinikilos ni Sir Mathew.
"Problema nun? Laging masungit Tas malamig Pag saken. Tas nagagalit kapag lumalapit ako Kay Hugo or nagpapatulong... Bakla ba si sir Mathew?" Sabi ko sa aking sarili habang tinitignan ang papalayong kotse ni Sir Mathew.
Napapansin ko rin that time na kapag kausap ko si Hugo, laging tumitingin sa amin si sir Mathew na Tila ba ay sinusubaybayan Niya ang bawat kilos naming dalawa.
Napatakip ko sa aking bibig sa naisip Kong pangyayari.
Could it be... In a relationship Silang dalawa ni sir Mathew at ni Hugo!?
Amanda's imagination...
"Mahal, ayokong lumalapit ka Kay Amanda. Nagseselos ako kapag kinakausap mo siya'' ani ni Mathew sabay yakap Kay Hugo sa kanyang likod.
"Wag kang mag-alala mahal ko, sa hotdog mo parin ako papatol" malagkit na Sambit nito at... Alam nyo na ang mangyayari
waahh!! ayoko nun!! hindi ako papayag!!
PUTCHA INIISIP KO PALANG NA BOTTOM SI HUGO AY KINIKILABUTAN NA AKO!
Well, hindi naman mawawala sa Takbo ng utak ko na baka bottom rin siya Tas top si Mathew. Pero feeling ko bottom talaga si Mathew sa kanila.
Napangiwi ako sa lumalabas sa aking utak at umiling-iling sabay winasiwas ang aking Kamay sa ere.
"Hindi pwede! Kahit na bakla si sir Mathew hindi Niya pwedeng kunin sakin si Hugo!"
Pumasok ako sa aking apartment at kaagad na nilagay ang bag Pati narin ang paper bag na naglalaman ng kumot. Ngumisi ako at inamoy ang mabangong lavender scent na kumakapit sa kumot. Iyon lamang ang favorite Kong scent at iniisip ko na si Hugo ang nagbigay at maglagay ng fragrance ay nangingisay na ako sa kilig.
"Lagot ka saken Hugo, papaibigin kita!"