Kahit saan ako maghanap ay di ko mahanap-hanap si Ayiesha. It's been a month. Since that day she's gone.
Di ko na alam ang gagawin ko. Ayaw kong mawala si Ayiesha sa akin. Mahal na mahal ko ang aking, asawa. Kung may kasalanan man ako sa nangyari ay laking pagsisisi ko. Di rin naman ako masisisi, sobra akong nasaktan. Nasaktan ako na ang asawa ko ay may ibang lalaki.
"Enough! Rence." pigil sa akin ng isang babae. Iwinaksi ko lang ito.
"Stop what you're doing. Your not my wife." sigaw ko dito. Kahit alam kong lasing na ako ay naaninag ko pa rin ang babaeng kaharap ko ngayon.
"I'm your wife. So tigilan mo na ito." tinitigan kong mabuti ang babae.
Napangisi ako. "Sino ba ang niloloko mo Adelaine. Kahit anong gawin mo, Ayiesha is still my wife. Siya lang at wala ng iba pa." seryoso kong sambit.
"Wake up, Terrence. Ayiesha is gone. Walang may alam kung nasaan siya. Baka patay na nga iyon." asik nito.
Hinila at hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito. "Hindi.patay.ang.asawa.ko! Naiintindihan mo?" madiin kong sabi dito.
"Stop, what is your plan? Dahil di ka magtatagumpay."
Pagkasabi ko noon ay agad ko siyang tinalikuran. Pasuray-suray akong lumabas sa bar na iyon. Di ko na ito nilingon, dahil naalibadbaran ako sa pagmumukha nito.
'Where are you, ayiesha. Hon, please come back to me'. Pagmamakaawa kong sambit sa kawalan. Pero alam kung walang makakarinig sa akin.
Adelaine POV
"F*ck, that Ayiesha. Bakit di malimot-limot ni Terrence ang babaeng iyon." galit kong sigaw. Nandito na ako sa condo kong saan ako naglalagi.
"Bakit di kita makuha-kuha, Terrence. Ayiesha is gone. Ako ang nandito. Ako, s**t!" sigaw ko.
Terrence POV
Nagising akong masakit ang buong katawan ko. Malabo noong una. Pero di nagtagal ay naging malinaw na ito. Agad kong iginala ang aking paningin.
Nasaan ako. Sino ako? Akbang babango ako ng may magsalita. "Wag ka munang bumangon." pigil sa akin ng isang lalaki.
Pamilyar siya sa akin. "Sino ka?" nagulat ito sa tanong ko. "Nasaan ako?" Natigilan ako. "At sino ako?" Muli kong tanong.
"Di mo ako kilala? Di mo kilala ang sarili mo?" tumango-tango ako. Tinignan ko siya na may luha sa aking mga mata.
Di ko talaga matandaan kumg sino ako, at kung saan ako nakatira. Wala akong maalala.
Agad na may pumasok na mga Doktor at Nurse. "Okay naman si Mr Jimenez. Wala namang damage sa kanya. Aside sa mga tahi niya." tumango-tango ang Doktor.
"Bakit wala siyang maalala, Dok!" Tanong ni Earl sa doktor. Nagpakilala kasi itong siya daw si Earl. Siya daw ang nakakita sa akin. Kasama ni Earl ang kanyang ina ng makita nila akong nakahandusay sa kalsada.
Papunta daw sana sila sa Probinsya at s'yang labas ko sa kung saan.
Kaibigan ko daw siya. Iyon ang sabi niya sa akin. "Dahil na rin siguro sa head injury niya or maybe dahil sa trauma." paliwanag ng Doktor.
Nang makaalis ang Doktor ay tinanong ko si Earl. "Ilang days ako dito?"
Kumunot ang noo nito. "Anong days? 10 months kana dito. At nailabas mo ng matiwasay ang kambal mo, tru CS." Nagulat ako sa nalaman ko.
10 months ang tagal no'n. Pero mas ang ikinagulat ko ay may anak ako. Kambal pa.
"Are you sure? May naghahanap ba sa akin!" umiwas ito ng tingin sa akin.
"Wala, esha." saad niya sa akin.
Earl POV
Alam kong mali ang ginagawa kong pagtago kay Ayiesha. Pero kailangan, baka manganib na naman ang buhay niya.
Kahit alam kong ligtas siya sa kamay ni Terrence Alvarez ay alam kung gagawa at gagawa ng paraan ang mga kalaban nito, para mapilayan si alvarez. Kasama na doon si Adelaine. Akala ko talaga mabait ang babaeng iyon. Iyon pala may tinatagong kademonyohan.
Bawi ko na rin ito sa kasalanan ko kay Ayiesha. Dahil sa akin, kung bakit nagkaganito ang buhay niya.
Aalagaan ko siya, kasama ang kambal. Mahimbing itong natutulog. Para itong anghel kung matulog.
Sa sobrang bait, marami ang gustong mawala ang babaeng ito. Mabuti na rin at nawala ang alaala nito at mabuti na rin na ako ang nakakita dito.
Terrence POV
It's been 10 months, simula ng mawala si Ayiesha. Hanggang ngayon ay di ko pa rin siya nahahanap. Di ko pa rin nahahanap ang asawa ko at sobrang miss na miss ko na ito.
"Any news?" tanong ko sa PI ko.
"Wala Sir. Hindi po namin mahanap si Ma'am Ayiesha." napakuyom na lang ako sa aking kamao.
"Wag kayong tumigil, hangga't di nyo mahanap o nakikita ang asawa ko. Kong kailangan na suyurin n'yo ang buong pilipinas. Gawin n'yo." sigaw ko sa kanila. Ilang PI ba ang nahired ko? Lima sila pero wala man lang nakapag bigay ng magandang balita sa akin.
"Hanggang ngayon ba ay hinahanap mo parin si Ayiesha? It's been 10 months, Rence. Move on. Baka wala na talaga si Ayiesha. Baka patay na ito." sabi nito sa akin. Binaligan ko ito at binigyan ng tingin na may panlilisik.
"Pwede ba tumahimik ka." galit kong asik dito. Tumahimik naman ito.
"Wake up, Dence. Wala na si Ayiesha. Sampung buwan na ang nilalaan mo sa paghahanap. Pero wala pa rin. Hanggang ngayon. Wala pa rin." Pagpupumilit nito.
"Would you shut up! Just shut the f*ck up!" sigaw ko dito. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon.
"Bakit ako tatahimik? Di ako titigil, hangga't di ka nagigising, d'yan sa kahibangan mo." sigaw nito sa akin.
Tumayo ako at inisang hakbang ang nasa pagitan naming dalawa. Hinawakan ko ang braso nito ng mahigpit na siyang ikinadaing nito.
"Pag sinabi kong tumahimik ka. Tumahimik ka. Ano ba ang pinaglalaban mo? Na maaari mong palitan si Ayiesha? Dream on, Adelaine." madiin kong sambit sa kanya. "Kahit na anong gawin mo, hinding-hindi mo mapapalitan si Ayiesha. Siya at siya pa rin." sabi ko sa kanya. "Kung di kita minahal noon. Mas lalong di kita mamahalin ngayon." sabi ko sabay tulak sa kanya. Napaatras ito ng wala sa oras at muntik ng ikinatumba nito.
Umalis na ako sa harapan niya. Di Ko kayang makita ang nakakasukang pagmumukha niya.
Esha POV
Tatlong taon na ang nakakalipas ng makita at matagpuan ako ni Earl sa isang kalsada.
"Esha. Pabili nga ng isda." sabi ni Aling Diane sa akin.
Nginitian ko ang babae. "Oo naman Aling Diane. Ikaw pa." nakangiti kong sambit dito.
"Alam mo ang ganda mo talaga, para bang anak ka ng mayaman." Daldal sa akin ni Aling Diane.
"Ito naman po. Di naman po ako anak mayaman!" tangi ko dito.
Marami ang nagsabi sa akin na baka daw isa akong anak ng mayaman at nawala o kinidnap lang daw ako. Kaya napadpad ako sa lugar na ito.
"Ako din Miss beautiful. Isang kilo rin." singit naman ni Alisa, sa usapan namin ni Aling Diane.
"Sure ka bang bibili ka!" tanong ko dito. Dahil baka si Earl na naman ang susulyapan nito.
"Oo naman!" nakangiting sambit nito. Tumango-tango ito.
"Esha!" nilingon ko ang tumawag sa akin. Isang ngiti ang ibinigay ko dito.
"Hi Earl." bati ni Alisa. Sinasabi ko na nga ba. Nagpapacute lang ito kay Earl.
"Pansinin mo yung nagpapacute sa iyo!" mahina kong sambit sa kanya.
"Bakit ko naman papansinin iyon, kung nandito ka naman!" nakangiti nitong sabi sa akin, na ikinangiwi ko.
"Hep, hep, hep. Bawal ligawan si nanay." Singit ng anak kong babae.
"Para kay tatay lang siya, Tito Earl." sabi naman ng anak kong lalaki.
"Kayo talaga di kayo mabiro." ginulo nito ang buhok ng dalawa, na ikinaungol ng kambal. Ayaw kasi nila na may gumugulo sa nakaayos nilang buhok.
"Binabakuran lang namin si nanay, Tito Earl. Baka kasi dumating si tatay at kunin na niya kami."
Natigilan ako sa sinabi ng mga anak ko. Alam kasi nilang, wala akong maalala. Di Ko matandaan kung sino at kung saan ako nagmula. Kung saan ako nakatira.
Kaya alam din nila na may ama pa sila. Kung meron nga ba.
Agad kung inilagay sa kama ang mga anak ko. Tinignan ko sila. Naawa na ako sa mga anak ko. Kakauwi lang kasi namin, mula sa palengke. Kung saan ako nagtitinda.
"Di mo ba talaga ako kilala Earl? Di mo ba talaga alam kung saan ako nagmula?" tanong kong muli kay Earl. Makailang beses na akong magtanong sa kanya nito. Pero palagi niyang sinasabi na hindi.
"Hindi, talaga esha." makaulit ding sagot niya. Palagi na lang. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ako.
"Naawa ako sa mga bata. Hinahanap kaya ako ng pamilya o asawa ko? Kung meron man akong asawa." malungkot kong iniyuko ang aking ulo.
"Matulog kana. Maaga pa tayo bukas." napabugtong-hininga na lang ako. Nakahiga ako sa tabi ng mga anak ko. Dahil na rin siguro sa pagod. Dahil sa maghapong nasa palengke ay agad akong nakatulog.
Adelaine POV
"Are you out of your mind? Papatayin mo si Terrence?" sigaw ni Mika sa akin.
"Kung di lang din siya magiging akin. Mabuti pang mawala na lang siya. Alam kung malapit na niyang mahanap si Ayiesha." saad ko dito.
"Kung di lang talaga magaling sa pagtatago si Earl. Baka matagal na niya itong nahanap at iyon ang di ko mapapayagan." galit kong sambit. Kinuyom ko ang aking kamao, mawawalan ng saysay ang mga ginawa ko. Kung mahahanap nito si Ayiesha. I want Terrence, gusto kong maging akin siyang muli.
"Baliw ka na, Adelaine."
"Baliw na nga siguro ako. Bakit ba kasi binaliw ako ni Terrence ng ganito. Oo bumalik nga kami sa dati bilang f**k buddy, but still. Si Ayiesha pa rin." sigaw ko, sabay hagis sa mahawakan ko.
"Dapat akin lang si Terrence. Akin lang si Terrence at kahit kailan ay di siya mapupunta sa iba." galit kong sigaw.
Inihagis ko ang baso sa pader kaya nag likha iyon ng ingay.
Kung di ka rin mapapasaakin, Terrence. Mas mabuti pang mawala ka na lang sa mundong ito. Sisiguraduhin ko na sa huling hininga mo ay ako pa rin ang makikita mo.