Chapter 3

1125 Words
LUNA AMARIS Nang ibaba ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at tumingin sa salamin sa banyo ay napangiti ako. Kita ko ang mga bulang marka sa katawan ko. Masakit ang pagitan ng mga hita ko pero wala akong time para indahin iyon. Gumana ang plano ko, kaya alam kong makukuha ko na ang gusto ko. Si Theo. Mabilis na ang naging kilos ko. Wala akong choice kundi ang isuot muli ang suot ko kagabi at nang masigurado kong maayos na ang suot ko ay humarap ako sa salamin at naglagay ng pulang-pulang lipstick. Ngumiti akong muli sa salamin bago bago tuluyan nang lumabas ako ng banyo ay agad kong kinuha ang bag ko pero paalis na sana ako nang makita ko ang cufflink sa sahig. Pinulot ko iyon. Bilog lang iyon pero napapalibutan ng maliliit na diamond sa gilid. Pinakatitigan ko iyon. Cufflink lang ito, pero alam kong hindi biro ang halaga dahil sa mga batong nakapalibot dito. Pinilit kong alalahanin kong may suot bang cufflink kagabi si Theo, pero hindi ko masyadong napansin. Sinilid ko na lang iyon sa maliit na bag ko saka ako tuluyang lumabas ng hotel room. Naka-gown na suot ko pa ako kagabi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagpalinga-linga ako. May lumapit sa aking isang babae at siya mismo ang nagsabi sa akin kung nasaan sina Lolo Thomas. Mabilis akong pumunta sa hotel room na sinabi sa akin ng staff. Kumatok muna ako bago ako tuluyang pumasok. Naabutan ko si Lolo Thomas na seryosong nakaupo sa sofa habang si Theo naman ay nakatayo. Nakaupo sa kaliwang side ni Lolo Thomas si Tita Maris na inaalo pa rin hanggang ngayon si Candice. Alam kong ako ang kotrabida sa paningin ng lahat ngayon pero wala akong pakialam. Sinumulan ko na ito kaya kailangan kong panindigan ang pinasok ko. Naupo ako sa katapat na sofa nang kinauupuan nina Tita Maris kahit hindi pa naman ako pinapaupo. Matalim na tumingin sa akin si Candice. “Did he force you?” seryosong tanong ni Lolo Thomas sa akin. “Lo! I did not force her,” mabilis na sagot ni Theo. “So, inamin mo talaga na may nangyari sa inyo? You have a girlfriend, pero ginalaw mo pa rin si Luna!” dumadagongdong ang boses na saad ni Lolo Thomas habang galit na galit siya kay Theo. “It was a mistake,” mahinang sagot ni Theo. Kanina pilit niyang tinatanggi sa harap ko na wala siyang maalala sa nangyari pero hindi niya iyon magawa sa harap ni Lolo. Tumingin ako sa ayos niya. Naka-white long sleeves lang siya na basta na lang tinupi hanggang siko niya kaya hindi ko nakita ang kapareha ng cufflink na hawak ko kung nasa kaniya pa ba. “I was drunk and I don't —” “Bullshit!” Napatayo pa si Lolo Thomas sa kinauupuan niya. “Kahit lasing ka, alam mo kung kanino itutusok iyang putanginang t**i mo! Huwag mo akong gawing tanga, Theo. May nangyari sa inyo ni Luna at hindi pwedeng hindi mo siya panagutan!” lumalabas na pati litid sa noo ni Lolo Thomas habang nagsasalita siya habang matalim ang tingin niya kay Theo. “Panagutan? Paano naman po ako?” singit ni Candice habang namumula ang matang nakatingin kay Lolo Thomas. “Ako ang girlfriend ni Theo. Hindi ba kung meron siyang dapat na panagutan, ako iyon? Isang gabing pagkakamali lang ang namagitan sa kanila ni Luna at sigurado akong sinadya iyon ng babaeng iyan.” Matalim ang tingin na bumaling sa akin si Candice. “Alam kong matagal na niyang gusto ang boyfriend ko kaya hindi na ako nagtataka na ginapang niya ang boyfriend ko kaya may nangyari sa kanila. Kung may dapat sisihin sa nangyari, si Luna iyon. Alam niyang may girlfriend na si Theo pero pumayag pa rin siyang may mangyari sa kanila dahil gusto niyang maagaw sa akin si Theo,” matatag na saad ni Candice habang nakatingin sa akin. Lihim akong napangiti sa kaniya. Tama siya, iyon talaga ang nangyari pero hindi ko iyon aaminin. Pinalungkot ko ang mga matang tumingin ako kay Lolo Thomas. He is my grandmother's bestfriend, close kaming dalawa kaya alam kong ipagtatanggol niya ako. “Lo, sorry. Hindi ko gustong makasira ng relasyon. Tulog na ako ng may pumasok sa loob ng kwarto, hindi ko alam pero pakiramdam ko may naglagay ng gamot sa alak na nainom ko kaya nahihilo ako ng mga oras na iyon. Hindi ko nalabanan ang tukso, hindi ko alam na nakasira na pala ako ng relasyon,” naiiyak na saad ko para mas magmukha akong kawawa. “Nawala ang pinakaiingatan ko, pero alam kong may girlfriend si Theo at ayaw kong makasira ng relasyon kaya kalimutan na lang natin ang nangyari,” dagdag ko pa. Hindi pwedeng ipagpilitan ko agad ang gusto kong mamgyari. Kailangang magmukha akong kawawa sa harap ni Lolo Thomas para mas maniwala siya sa sasabihin ko. “Paano ako haharap kay Aria nito?” problemadong tanong ni Lolo Thomas, ang Lola ko ang tinutukoy niya. “Naisip n'yo ba na kapag nalaman niya ang totoo, ako ang pauulanan niya ng bala?” Napayuko ako. Dating General ang Lola ko at kahit matanda na siya parang takot na takot pa rin sa kaniya si Lolo Thomas. “Papa, alam kong magulo ang nangyari. Pero hindi natin pwedeng pilitin ang mga bata. Alam kong nag-aalala ka kay Luna pero paano si Candice? Kaya tama si Luna, kalimutan na lang natin ang nangyari. Wala naman na tayong magagawa pa. Nangyari na, pero hindi pwedeng iiwan ni Theo si Candice para panagutan si Luna,” paliwanag ni Tita Maris. Umismid si Lolo Thomas. “Alam ko, pero paano kung mabuntis si Luna?” Alanganing ngumuti si Tita Maris. “Isang gabi lang naman, baka naman hindi.” Tumingin si Tita Maris kay Theo na tila hindi alam ang gagawin ngayon. “Pero kung sakaling mangyari iyon, ako mismo ang gagawa ng paraan para maikasal sila. Hindi ako papayag na magkaroon ng bastardo sa pamilya natin,” matigas na sagot ni Tita Maris. Tumingin sa akin si Lolo Thomas, tila humihingi siya ng pasensya kaya ngumiti ako sa kaniya. “Talaga ba? Hindi ba at may bastardo rin naman si Lolo? Nandito pa nga siya kagabi, hindi ba?” sarkastikong saad ni Theo kaya napabaling ang tingin ng lahat sa kaniya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May iba pang anak si Lolo Thomas? Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon, pero kung totoo man iyon. Wala akong pakialam, ang mahalaga umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari. Maaring hindi ako magagawang panagutan agad ni Theo, pero may lamat na ang relasyon nila ni Candice. Unti-unti, magiging akin din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD